Pagkasawi ng mga naghahatid ng tulong sa digmaan sa Gaza, ikinababahala ng Santo Papa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 25,969 total reads

Ikinalungkot ng Kanyang Kabanalan Francisco ang nagpapatuloy na karahasang nangyayari sa Gaza Strip lalo na ang pagkakapaslang sa mga taong tumutulong sa mga inosenteng sibilyan.

Dalangin ni Pope Francis ang katatagan ng mga pamilyang naiwan ng mga biktima ng karahasan at muling umapela sa kinauukulan na pahintulutan ang humanitarian aid para sa kapakinabangan ng mga sibilyang naiipit sa kaguluhan.

“I express my deep regret for the volunteers killed while engaged in the distribution of humanitarian aid in Gaza. I pray for them and their families. I renew my appeal for the exhausted and suffering civilian population to be given access to humanitarian aid and for the hostages to be released immediately,” mensahe ni Pope Francis.

Batay sa ulat, pitong volunteer’s ng non-profit World Central Kitchen ang napatay sa pag-atake ng Israeli military habang naghahatid ng mga pagkain sa mga nagugutom na sibilyan sa Gaza.

Tinamaan ang kanilang convoy sa pag-atake sa Deir Al-Balah warehouse dala ang mahigit sa 100 toneladang pagkain, sa kabila ng pakikipag-ugnayan sa Israel Defense Forces.

Kabilang sa mga nasawi ang isang US-Canada national, mga indibidwal mula Australia, Poland, tatlong taga United Kingdom at isang Palestinian.

Panawagan ni Pope Francis sa magkabilang panig na iwasan ang anumang hakbang na magpapalala sa sitwasyon sa lugar sa halip ay magtulungang isulong ang pagkakasundo para sa kapayapaan ng pamayanan.

“Let us avoid all irresponsible attempts to broaden the conflict in the region, and let us work so that this and other wars that continue to bring death and suffering to so many parts of the world may end as soon as possible. Let us pray and work tirelessly for weapons to be silenced and for peace to reign once again,” ani Pope Francis.

Mula nang sumiklab ang kaguluhan sa pagitan ng Israel at Hamas militant group nasa 165 volunteer’s ng United Nations Relief and Works Agency for Palestinian Refugees ang nasawi.

Patuloy ang panalangin ng simbahang katolika na mawakasan ang mga digmaang nangyayari sa iba’t ibang bahagi ng daigdig at binigyang diin na pawang pagkasira ng lipunan ang idudulot ng karahasan.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 21,648 total reads

 21,648 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 42,211 total reads

 42,211 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 114,646 total reads

 114,646 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 200,015 total reads

 200,015 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 246,751 total reads

 246,751 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 294,622 total reads

 294,622 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 392,659 total reads

 392,659 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top