Mga kabataan, inaanyayahang tuklasin ang bokasyon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,390 total reads

Umaasa si Novaliches Bishop Emeritus Antonio Tobias na maging bukas ang mga kabataang pagnilayan ang bokasyon at tumugon sa tawag ng Panginoong maglingkod sa kawan.

Ito ang mensahe ng obispo sa pagdiriwang ng pandaigdigang panalangin para sa bokasyon kasabay ng Linggo ng Mabuting Pastol.

Ayon sa Obispo, nawa’y pakinggan ng mga kabataan ang tinig ng Mabuting Pastol na nag-aanyayang maging tagapastol sa kristiyanong pamayanan.

“Hiniling ko sa mga kabataan na suriin at tingnan ang kanilang sarili baka sila ay tinatawag sa bokasyon ng pagpapari, pagmamadre at pagiging relihiyoso,” pahayag ni Bishop Tobias sa Radio Veritas.

Batid ng obispo na kinakailangan ng mga kabataang pastol na maging kahalili sa mga matatandang lingkod ng simbahan lalo na ang mga nagretiro na sa kanilang tungkuling pangangasiwa sa mga parokya at institusyon ng simbahan.Apela ng obispo sa mga magulang na gabayan ang kanilang mga anak na tuklasin ang bokasyon sa halip na hadlangan.

“Sa mga magulang, huwag ninyong hadlangan ang inyong mga anak na nagnanais pumasok sa seminaryo, na gustong magpari o magmadre. Dapat gawin ay suportahan at ipanalangin sila upang gabayan ng Espiritu Santo sa kanilang discernment,” ani Bishop Tobias.

Batay sa datos ng 2024 Pontifical Yearbook at ng 2022 Statistical Yearbook of the Church tumaas sa 1.390 billion ang bilang ng mga katoliko sa buong mundo .Gayunpaman sa kabila ng 14 na milyong paglago ay bumababa naman ang bilang ng mga pari sa mula 407,872 naging 407,730 na lamang ito sa kasalukuyan na nangangahulugang 3,373 Catholics ang ipinapastol ng bawat pari.Bukod pa rito ang mahigit isang porsyentong pagbaba sa bilang ng mga seminarista na sa kabuuan ay nasa 108, 481.

Kaugnay nito magsasagawa ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ng kauna-unahang National Vocation Festival sa April 27, 2024 sa Rogationist College sa Silang, Cavite na layong paigtingin ang vocation campaign at makapagtatag ng ‘Culture of Vocations’ sa bawat diyosesis sa bansa.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 8,876 total reads

 8,876 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 63,545 total reads

 63,545 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 148,910 total reads

 148,910 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 195,647 total reads

 195,647 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 243,519 total reads

 243,519 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 344,346 total reads

 344,346 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top