Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Supreme Court, pinuri ng Caritas Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 16,642 total views

Suportado ng development at advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang desisyon ng Supreme Court na ang red-tagging ay isang banta sa karapatan ng mga Pilipino.

Ayon kay Caritas Philippines’ president, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, maituturing ang desisyon ng Korte Suprema na malaking pagbabago para sa mga tagapagtanggol ng karapatang pantao at mahalagang hakbang patungo sa mas ligtas na bansa.

“Red-tagging has instilled fear and silenced dissent for far too long. The Supreme Court’s ruling sends a clear message that such tactics will not be tolerated,” pahayag ni Bishop Bagaforo.

Inihayag naman ni Caritas PH vice president, San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, na kaakibat ng red-tagging ang pangamba at pagbabanta sa mga nais lamang ipaglaban ang karapatan ng bawat mamamayan.

Sinabi ni Bishop Alminaza na ang pasya ng Korte Suprema ay malaking kapanatagan upang mapangalagan ang Pilipinong nagsusulong ng kapayapaan at katarungan.

Kahit si Bishop Alminaza ay napabilang na rin sa red-tag list dahil sa kanyang paninindigan at pagtutol sa mga maling layunin ng pamahalaan.

“Being red-tagged can have serious consequences. But as a follower of Christ, I find inspiration in His teachings to love one another and fight for justice. ‘Sicut Christus vivit’ – ‘As Christ lives’ – is my motto. It guides me to continue serving the most vulnerable, even in the face of threats,” pagbabahagi ni Bishop Alminaza.

Binigyang-diin ng Caritas Philippines na ang desisyon ng Kataas-taasang Hukuman ay kinikilala ang red-tagging bilang banta sa karapatan ng mga Pilipino, at nagbibigay naman ng katarungan sa mga biktima ng pang-aapi.

Hinikayat naman ng institusyon ang pamahalaan at pwersa ng militar na itaguyod ang hatol ng Korte Suprema at tiyakin ang kaligtasan ng mga Pilipino, sa kabila ng iba’t ibang paniniwala sa pulitika, bilang karapatan para sa malayang pagpapahayag.

“We call on all sectors of society to work together to foster a more tolerant and respectful environment where open discourse and dissent are encouraged,” ayon kay Bishop Bagaforo.(michael)

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

INTELIHENSIYANG POLPOL

 47,566 total views

 47,566 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 69,632 total views

 69,632 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Ang PAPA Leave Act

 85,328 total views

 85,328 total views Mga Kapanalig, maaaring magkaroon ng hanggang 105 araw na paid paternity leave ang mga tatay kapag maging batas ang House Bill No. 9891

Read More »

Hindi solusyon ang kriminalisasyon

 92,538 total views

 92,538 total views Mga Kapanalig, kabubukás pa lamang ng mga klase nitong Hunyo, sinusubok na agad ang ating mga paaralan ng mga insidente ng karahasan.  Noong

Read More »

APAT NA DEKADA

 153,223 total views

 153,223 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top