Katotohanan sa pamamahayag, kinakailangan sa paglaban sa climate change

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,319 total reads

Pinuri ng Climate Change Commission (CCC) ang kahalagahan ng epektibo at responsableng pamamahayag sa gitna ng kinakaharap na pagsubok sanhi ng pagkasira ng kalikasan at nararanasang krisis sa klima.

Ayon kay CCC vice chairperson and executive director Robert E.A. Borje, sinisikap ng mga journalist o mamamahayag na palakasin ang tinig ng mga sektor at pamayanang apektado ng mga pinsalang nangyayari sa kalikasan.

Ang mensahe ni Borje ay mula sa ginanap “Writing the Story of Our Generation” na inorganisa ng Climate Tracker Asia na layong pagtuunan ang mahalagang gampanin ng pamamahayag upang hubugin ang pang-unawa ng publiko hinggil sa climate change at positibong pagkilos para sa kalikasan.

“In an era marked by these challenges, the role of journalism in promoting awareness and advocating for sustainable solutions cannot be overstated. You – journalists – have the power to discuss difficult issues, and to tell the public the warning signs of a planet in distress. But these are also the stories that bring the reality of climate change into focus, urging us to act,” ayon kay Borje.

Hinimok ni Borje ang mamamayan na kilalanin at alamin ang mga hamon ng kalikasan nang sa gayo’y matukoy ang mga pamamaraang maaaring makatulong sa pangangalaga sa mundo.

Binigyang-diin din ng opisyal ang pangangailangan para sa mga kuwentong hindi lamang naglalarawan ng mga suliranin bagkus ay nagpapakita rin ng mga solusyon at pag-asa tulad ng tagumpay ng mga eksperto o siyentipiko, mga panawagan ng iba’t ibang grupo at sektor, at ang katatagan ng mga pamayanan.

“We must cultivate a deep respect for the intricate web of life that sustains us all, helping to move everyone toward positive change and responsible stewardship of our planet. We need stories that give hope, because hope drives action leading to positive change,” saad ni Borje.

Nangako naman ang CCC na itataguyod ang press freedom, transparency, at accountability, at pagsuporta sa mga mamamahayag upang higit pang mailapit sa mamamayan ang mga pangyayari at usapin kaugnay sa suliranin ng climate change.

Tuwing ikatlo ng Mayo ay ginugunita ang World Press Freedom Day upang kilalanin ang kahalagahan ng malayang pagpapahayag bilang mahalagang aspeto ng karapatang-pantao.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 133,118 total reads

 133,118 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 269,733 total reads

 269,732 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 385,507 total reads

 385,507 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 500,475 total reads

 500,475 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 244,846 total reads

 244,846 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top