Makibahagi sa misyon ni kristo, hamon ng pari sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,268 total reads

Hinamon ng rektor at kura paroko ng Diocesan Shrine and Parish of San Isidro Labrador sa Pulilan, Bulacan ang mga mananampalataya na makibahagi sa misyon ni Kristo.

Ito ang paanyaya ni Fr. Dario Cabral sa bawat isa kasabay ng pagdiriwang sa kapistahan ng patron ng mga magsasaka na si San Isidro Labrador at ika-230 Pistang Bayan ng Pulilan nitong Mayo 15.

Tema ng pagdiriwang ang “Pakikibahagi sa misyon ni Kristo” kung saan ayon kay Fr. Cabral ay layong bigyang-halaga, hindi lamang ang pagpapalaganap ng mabuting balita, kun’di maging ang pag-aalay ng panalangin para sa mga magsasaka at pagkakaroon ng masaganang ani sa bukiring bayan ng Pulilan.

“Binigyan natin ng linaw ang misyon na ito ay hindi lamang pamamansag ng mabuting balita, bagamat ito ‘yung pinakasentro ng ating pakikibahagi ng misyon. Pero gayundin ay binigyan namin ng diin dito sa mga pagninilay at sa pagdiriwang ang pagpapahalaga, pag-iingat, at pagsisinop sa ating kalikasan, sa ating mga kabukiran, at sa pagsasaka,” ayon kay Fr. Cabral.

Paliwanag ng pari na pinagtuunan sa mga Misa Nobenaryo ang pananalangin para sa kalikasan, kabukiran, at ang patuloy na masaganang ani para sa mga magsasaka sa tulong ng patnubay ni San Isidro Labrador.

Dagdag ni Fr. Cabral na sa pamamagitan ng pagsasaka ay naipapakita pa rin ang pakikiisa at pagtugon sa misyon ng Panginoon tungo sa kabanalan katulad ng ipinamalas ni San Isidro sa pamamagitan ng paggawa.

“Hindi lamang ito pagdiriwang ng tradisyon, kung hindi ng presensya ng Diyos na laging nasa atin at saan man naroroon lalo’t higit sa mga kabukiran at mga naglilinang ng bukid,” ayon kay Fr. Cabral.

Kabilang naman sa mga itinampok sa pagdiriwang ang Kneeling Carabao kung saan umabot sa humigit-kumulang 300 kalabaw ang nakilahok mula sa Pulilan gayundin mula sa mga karatig na lugar.

Isinasagawa ang tradisyunal na pagpapaluhod sa mga kalabaw sa harapan ng simbahan tuwing ika-14 ng Mayo, bisperas ng kapistahan ni San Isidro, bilang simbolo ng pagpapakumbaba at pagpapasalamat sa mga natanggap na biyaya sa nagdaang taon.

Samantala, pinangunahan din ni Malolos Bishop Dennis Villarojo ang Misa Concelebrada para sa karangalan ni San Isidro, katuwang sina Fr. Cabral, bikaryo paroko, Fr. Renato Brion, Jr., at mga pari ng diyosesis.

Nakatuwang din ng parokya sa pagdiriwang ng Pistang Bayan ngayong taon ang Hermano Mayor na si Pulilan Association of Barangay Captains President Dennis M. Cruz.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 132,825 total reads

 132,825 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 269,450 total reads

 269,450 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 385,225 total reads

 385,225 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 500,201 total reads

 500,201 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 244,829 total reads

 244,829 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top