Mayorya ng mga magsasaka, hindi nakikinabang sa programa ng pamahalaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,302 total views

Ito ang tugon ni KMP President Danilo Ramos sa paglilipat ng pangangasiwa ng Philippine Crop Insurance Corp. (PCIC) sa Department of Agriculture.

Sa panayam ng programang Veritas Pilipinas iginiit ni Ramos, dapat gumawa ng programa at polisiya ang pamahalaan na tiyak makatutulong sa mga magsasaka.

“Gusto kong bigyan ng diin kung meron mang nakinabang na iniulat ng gobyerno napakaliit po nito at hindi significant walang impact, mumo ang tulong…Dapat gawin ng gobyerno ang seryosong pagtulong at ayuda sa mga magsasaka,” bahagi ng pahayag ni Ramos.

Batay sa Executive Order 60 ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., isinailalim ang PCIC sa pangangasiwa ng D-A upang higit na matutukan ang pagtugon sa pangangailangan ng mga magsasaka, mangingisda at iba pang manggagawa sa sektor ng agrikultura.

Pangunahing gawain ng PCIC na isang government-owned or -controlled corporation (GOCC) ay magkaloob ng insurance protection sa mga manggagawa sa agrikultura na lubhang maapektuhan ng natural disasters, plant diseases, and pest infestation.

Pinuna ni Ramos na dalawa hanggang tatlong porsyento lamang mula sa kabuuang pondo ng bansa ang inilalaan para sa pagkain sa halip ay pinagtutuunan ng pansin ang malawakang importasyon ng agricultural products.

Iginiit ng KMP na dapat palakasin ang pagsuporta sa sektor ng agrikultura upang makamit ng Pilipinas ang food security.

“Susi sa murang bigas kailangan po talaga tulungan ang mga magsasaka. Ang dapat po ay palakasin ang lokal na produksyon ng pagkain hindi ang importasyon,” giit ni Ramos.

Matatandaang sa Administrative Code of 1987 inatasan nito ang DA na itaguyod ang agricultural development ng bansa sa pamamagitan ng pagbalangkas ng mga polisiya, public investments at support services para sa sektor ng agrikultura.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 55,899 total views

 55,899 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 51,768 total views

 51,768 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 87,970 total views

 87,970 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 96,395 total views

 96,395 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 121,058 total views

 121,058 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top