Internet para sa Lahat

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 44,576 total views

Kapanalig, andito na tayo sa panahon ng digitalization at artificial intelligence. Hindi na dapat tayo babagal bagal at aandap andap sa pagyakap ng ganitong teknolohiya. Tayo ay nasa panibagong industrial revolution na  – at ang mahuli, talo.

Pero sa ating bansa, ang access sa internet ay hindi pantay pantay hanggang ngayon. Kaya’t kahit pa marami sa atin ay parte na ng buhay ang internet sa araw araw, meron pa ring mga mamamayan sa ating bayan ang walang koneksyon dito. Hindi pantay ang access sa internet sa ating bayan.

Ayon sa 2020 Census of Population and Housing, 56.1% ng ating mga households o kabayahan ay may internet access o 14.8 milyong households ang nakaka-internet sa 26.38 milyong households sa ating bayan. Mataas man ang bilang na ito, meron pa ring mga 11.6 milyong kabahayan, kapanalig, ang walang access sa Internet.

Mataas ang antas ng internet connection sa ilang mga rehiyon, gaya ng National Capital Region, Region 4A, at Region 3. Pero kapanalig, sa  SOCCSKSARGEN, 3.4% lamang ng kabahayan ang may internet, sa CARAGA, 1.8%, at sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), 1.7% lamang ng kabahayan ang may koneksyon. Alam niyo kapanalig, ang huling tatlong rehiyon na ito ay sila ring pinakamataas ang poverty incidence sa mga pamilya sa ating bansa.

Kapanalig, nasabi na noon ni Ramon Magsaysay na “those who have least in resources should have more in law.” Sa ganitong paraan, mabibigyan sila ng mas maraming oportunidad at pagkakataon na makipagsabayan sa mga mas mapalad nating kababayan. Ito ay panlipunang katarungan na dapat nating isinusulong sa ating bansa. Kailangan ng policy reforms na may katapat na budget para magkaroon ng mas malawak na internet access sa  mga pinakamahirap na rehiyon ng ating bayan.

Ang access sa Internet, kapanalig, ay hindi lamang isang pribilehiyo. Ito ay maituturing na human right dahil konektado ito sa ating karapatan sa partisipasyon, sa ekspresyon, at sa impormasyon. Kaugnay din ito ng ating karapatan sa edukasyon. Kapag ating hinahadlangan o hinaharangan ang access sa internet, lalo na sa mga lugar na marami ang naghihirap, ninanakaw natin sa kanila ang karapatan at pagkakataon na mag-aral at magtrabaho. Iniiwan natin sila sa pagsulong ng bayan, at pinana-natiling mahirap. Kung tayo ay tunay na Kristiyanong Katoliko, tayo ay naniniwala at nagpapalaganap ng katarungan sa lipunan. Ang kawalan ng access sa internet ng maralita ay hindi makatarungan, kapanalig, kaya’t hindi natin dapat ito pinababayaan.

Sabi nga sa Economic Justice for All ng US Catholic Bishops, “The obligation to provide justice for all means that the poor have the single most urgent economic claim on the conscience of the nation.” Paalala rin ng Centesimus Annus, bahagi ng Panlipunang Turo ng Simbahan, ang pagmamahal sa kapwa, lalo na sa maralita, ay nagiging kongkreto kapag ating sinusulong ang katarungan sa lipunan.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 13,564 total views

 13,564 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 63,578 total views

 63,578 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 59,447 total views

 59,447 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 95,643 total views

 95,643 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 103,779 total views

 103,779 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Papalayô sa tunay na demokrasya

 13,565 total views

 13,565 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 63,579 total views

 63,579 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 59,448 total views

 59,448 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 95,644 total views

 95,644 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »
Scroll to Top