“Marriage is not the problem, it is the hardness of our hearts”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 64,567 total views

Patuloy na naninindigan ang simbahang Katolika sa pagtataguyod at pagpapatatag ng sakramento ng kasal at pagtutol sa diborsyo.

Ayon Fr. Roy Bellen, Vice President for Operations ng Radyo Veritas at kura paroko ng National Shrine of the Sacred Heart, ang pagtutol sa diborsyo ng simbahan ay nakabatay sa kautusan ni Hesus na siyang sinasandigan ng mga katuruan ng simbahan.

Itinanggi rin ng pari ang mga pahayag na walang malasakit ang simbahan sa pagdurusa ng mga mag-asawa sa kanilang pagtutol na maisabatas sa bansa ang diborsyo.

“The same Jesus, who is preaching about forgiveness, about mercy, and compassion, is the same Lord who today we hear preaching against divorce,” bahagi ng homiliya ni Fr. Bellen.

Ayon sa pari, hindi tugon ang paghihiwalay o isisi sa pagkakatali sa kasal ang mga problema ng mag-asawa, bagkus ay dapat itong bigyang pagkakataon sa pagpapanauli.

Binigyan diin pa ni Fr. Bellen, ang simbahan ay may mga programa upang magbigay ng tulong sa mga hindi nagkakaunawaang mag-asawa, na siya ring dapat bigyang tuon ng pamahalaan sa paglikha ng mga batas na ang layunin ay patatagin ang pamilya.

Sinabi ng pari na ito ang dahilan kung bakit sa buong mundo ay mayroong 10,300 counseling centers ang simbahan para sa kasal, at higit sa 400,000 libong mga pari sa buong mundo kung saan maaring lumapit at humingi ng tulong ang mga mag-asawang nagkakaroon ng problema sa kanilang pagsasama.

“Bago ninyo sisihin yung kasal, please look into yourselves first. Don’t create more and more problems. Ito po ang dahilan why all over the world there are 400,000 priests to whom you can approach and confide, and go counseling. Huwag ninyo munang sirain. Try to solve it first. Because marriage is never the problem, it is a sacrament to which God blesses people, rather people who have hardness in their hearts, are the people that we should look to. This is the issue we have to address,” ayon pa sa pari.

Sa botong 131 na pumabor, 109 na tutol at 20 abstentions, pinagtibay sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang Absolute Divorce Act, habang nakabinbin pa ang parehong panukala sa Senado.

Bukod sa Vatican City, ang Pilipinas na lamang ang bansa sa buong mundo na walang umiiral na diborsyo makaraan na rin maging legal ang divorce sa Malta noong 2011.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 11,831 total views

 11,831 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 39,836 total views

 39,836 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 57,636 total views

 57,636 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 57,157 total views

 57,157 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 168,859 total views

 168,859 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top