FFW, nagpapasalamat sa ILC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,436 total reads

Ipinarating ng Federation of Free Workers sa idinaos na 112th International Labour Conference (ILC) ang mga suliranin na kinakaharap ng manggagawang Pilipino.
Inihayag ni FFW president Atty. Sonny Matula na kanilang inilatag ang mga suliranin sa international audience dahil sa mabagal at pagbabalewala ng administrasyon ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kapakanan ng mga manggagawang Pilipino.
Inilapit ng F-F-W sa I-L-C ang mabagal na pagbibigay ng katarungan sa mga kaso ng paglabag karapatan ng mga manggagawa at pagpatay sa mga labor leader sa Pilipinas.
Kabilang din ang kakulangan ng mga polisiya at batas na nangangalaga sa karapatan ng mga mangagawa sa tamang pasahod, kaligtasan sa mga lugar ng paggawa at mga pang-aabuso ng mga employer.
“There is a structural problem. Unlike the regular courts, which operate with three layers, the labor justice system has four, leading to prolonged dispute resolutions,” said Matula. “On average, it takes about seven years to resolve labor disputes, from the Labor Arbitration Branch through to the Supreme Court. This added layer contributes to unnecessary delays and inefficiencies,” ayon sa ipinadalang mensahe ni Matula sa Radio Veritas.
Nagpapasalamat at sumang-ayon si Matula sa tugon ng I-L-C na irekomenda sa pamahalaan ng Pilipinas ang hinaing ng mga manggagawang Pilipino at gamitin ang ILC 2030 Agenda na Sustainable Development Goal para sa pangangalaga ng kanilang kapakanan.
Patuloy naman ang apela F-F-W sa mga kagawaran at ahensya ng pamahalaan na pakinggan at tugunan ang panawagan ng mga manggagawa.
“Labor administration is instrumental in implementing target SDG 8.8, which focuses on protecting labor rights and promoting safe working environments for all workers, including migrant workers and those in precarious employment,” ayon pa sa mensahe ng FFW.
Taong 2021 at 2022 napabilang ang Pilipinas sa listahan ng Global Rights Index Top 10 most dangerous countries for labor union and members matapos maitala sa mahigit 70 manggagawa ang napapatay simula pa noong 2016.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 14,603 total reads

 14,603 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 72,927 total reads

 72,927 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 158,294 total reads

 158,294 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 205,030 total reads

 205,030 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 252,901 total reads

 252,901 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 353,312 total reads

 353,312 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 14,604 total reads

 14,604 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »
Scroll to Top