Magkaroon ng social responsibility ang mga Pilipino, misyon ng ika-41 NASAGA

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 22,531 total reads

Umaasa si Caritas Philippines President, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo na magdulot ng positibong epekto sa mamamayan ang mga pinagtitibay na layunin ng social, advocacy, at development arm ng simbahan para sa kaayusan ng lipunan.

Ayon kay Bishop Bagaforo, nais ng simbahan na maipalaganap ang pananagutang panlipunan upang higit na maunawaan at makaangkop ang mamamayan sa iba’t ibang usapin at krisis sa kapaligiran.

Ang pahayag ng obispo ay kaugnay sa isinasagawang 41st National Social Action General Assembly (NASAGA) ng Caritas Philippines sa St. Vincent Ferrer Seminary sa Jaro, Iloilo mula June 17-21, 2024.

“Unang-una ay mahihikayat at mabubuksan natin ang kaisipan ng ating fellow Christians on our social responsibility. Ang ating pananampalataya ay dapat hindi lamang ako ang maligtas, kung hindi tayong lahat ay maligtas. So, meron tayong social responsibility component d’yan at ‘yun ang gusto nating bigyan ng halaga nitong ating social action ministry at ipalaganap ang social teachings of the church,” pahayag ni Bishop Bagaforo sa panayam ng Radio Veritas.

Ibinahagi rin ni Bishop Bagaforo na kabilang sa mga pagtutuunan sa 41st NASAGA ay ang assessment sa mga programa sa political at ecological advocacy ng simbahan, reorganization sa social action ministries ng bawat diyosesis, at ang Alay Kapwa Expanded campaign program.

Magugunita sa 40th NASAGA 2022 sa General Santos City, South Cotabato nang mapagkasunduan ng bawat social action centers ng diyosesis sa bansa ang pagtatatag sa Good Governance Ministry o Good Governance Movement, Justice and Peace Ministry, at Ecology o Environmental Ministry na layong tumugon sa pangangailangan lalo na ang kabilang sa mahihirap na sektor ng lipunan.

“The first thing that we will do dito sa NASAGA ay i-assess natin kung ano na ‘yung ating nagawa in terms of political advocacy on Good Governance at saka sa ating mga activities in order to address itong ecological crisis natin,” ayon kay Bishop Bagaforo.

Halos 300 kinatawan mula sa 65 sa 85 diyosesis sa bansa ang makikibahagi sa 41st NASAGA, na isinasagawa lamang tuwing ikalawang taon.

Tema ng pagtitipon ng mga kinatawan ng Diocesan social action centers ang “Social Action Network: Journeying to Empower Communities in Faith, Love, and Justice”.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 9,586 total reads

 9,586 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 64,573 total reads

 64,573 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 149,938 total reads

 149,938 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 196,675 total reads

 196,675 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 244,547 total reads

 244,547 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 345,332 total reads

 345,332 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 170,234 total reads

 170,234 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top