Education sector, umaasa sa pagbabagong ipapatupad ni Angara sa DepEd

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 22,321 total reads

Umaasa ang education sector na magkakaroon ng mga pagbabago sa pamamahala ng Department of Education sa pagkakatalaga ng bagong kalihim ng kagawaran.

Ayon sa panayam ng Veritas Pilipinas kay Dra. Jennie Jocson-Director, Research Institute for Teacher Quality, bagama’t hindi mula sa hanay ng mga guro si in-coming DepEd Secretary Juan Edgardo Angara ay malaki ang maitutulong nito sa pamamahala at pananalapi ng tanggapan.

Sinabi ni Jocson na ang kakayahang ito ni Angara ay makatutulong sa pagpapatuloy ng magagandang programang nasimulan, gayundin ang muling pagsusuri sa ilang mga ipinapatupad na sistema ng kagawaran.

“So, ang direksyon at sana itoy ipagpatuloy, ay magkaroon ng anggulo ng focus sa loob ng isang eskwelahan, patatagin ang isang eskwelahan sa kanyang programa ng kanyang kontekstwalisasyon, kabilang na doon ang pagpapalawak ng kalidad ng ating mga guro na lalaban talaga sa kalidad ng edukasyon araw-araw,” ayon kay Jocson.

Nanawagan naman si Jocson na tutukan ng DepEd ang pangangailangan at pagsasanay sa mga guro.

“Teachers quality is the most important aspect, darating tayo sa kalidad ng edukasyon from the student outcomes, dadating tayo doon kung may kalidad ang ating mga guro so mag focus sana ang ating bagong kalihim sa kalidad ng ating mga guro mula sa free-service, repasuhin ang curriculum ng free service, yung mga nagtuturo ng pagiging guro , reviewhin ang alignment ng aming programa sa free-service sa pangangailangan ng Department of Education,” ayon pa kay Jocson. Itinalaga ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Angara bilang kahalili ni VP Sara Duterte bilang kalihim ng DepEd, na opisyal na magsisimula sa July 19.

Si Angara ay naglingkod din bilang commissioner ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM 2)ang 3-year congressional body na naatasang suriin ang mga problema sa sistema ng edukasyon ng Pilipinas, at magbigay ng rekomendasyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 51,781 total reads

 51,781 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 101,211 total reads

 101,211 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 149,082 total reads

 149,082 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 253,030 total reads

 253,030 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 336,572 total reads

 336,572 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top