Mamamayan, pinag-iingat ng CBCP sa tag-ulan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,178 total reads

Muling hinikayat ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Health Care ang publiko na panatilihin ang kalinisan ng kapaligiran ngayong tag-ulan.

Ayon kay CBCP-ECHC executive secretary, Camillian Fr. Rodolfo Vicente “Dan” Cancino, na ngayong tag-ulan ay inaasahan na rin ang unti-unting pagpasok ng La Niña Phenomenon kung saan higit na mararanasan ang labis na antas ng pag-uulan.

Paliwanag ni Fr. Cancino na kaakibat ng panahong ito ang paglaganap ng iba’t ibang nakahahawang karamdaman, lalo na ang mapanganib na epekto ng dengue at leptospirosis.

“Kaya tayo po ay maging mapagmatyag lalong lalo na kapag tayo ay lalabas ng bahay. Meron pa rin tayong mga hamon sa buhay…Ang paglilinis ang importante sa kapaligiran. Huwag lamang tayo umasa sa paglilinis ng barangay. Tayo ‘yung barangay, tayo ‘yung kapitbahayan, at tayo ‘yung komunidad. Pag minsan umaasa lang tayo, ‘ay trabaho mo ‘yan’. Wala pa ring maitutulad kapag tayo ay naglilinis ng kapaligiran natin,” ayon kay Fr. Cancino sa panayam ng Radio Veritas.

Ang dengue ay nakukuha mula sa infected na lamok o aedes aegypti na nangingitlog sa mga lugar na mayroong nakaimbak na tubig, at karaniwang tinatamaan ay mga bata at sanggol.

Habang ang leptospirosis naman ay sakit na naipapasa mula sa mga kontaminadong tubig tulad ng baha na mayroong ihi ng daga, at lubhang mapanganib sa mga taong mayroong sugat sa bahagi ng binti hanggang paa.

Mayroong pagkakatulad sa mga karaniwang sintomas ang dengue at leptospirosis tulad ng pagkakaroon ng lagnat na may kasamang pananakit ng ulo at kalamnan, pagsusuka, at skin rashes.

Paalala naman ni Fr. Cancino sa publiko na huwag balewalain sakaling magkaroon ng anuman sa mga nabanggit na sintomas at sa halip ay agad na magpakonsulta upang malapatan ng karampatang lunas.

“Kung tayo ay nakakaranas ng mga sintomas ng dengue at leptospirosis na tumataas ang kaso ngayon ay tayo ay pumunta kaagad sa ating doktor, magpakonsulta, pumunta sa pampublikong clinic, humingi ng tulong sa barangay o sa ating mga health center…Maagap na pumunta sa ospital o klinika upang maibsan at magkaroon ng tamang lunas dito sa mga sakit na tumataas tuwing tag-ulan,” paalala ni Fr. Cancino.

Batay sa huling ulat ng Department of Health na mula unang araw ng Enero hanggang Hunyo 15 ngayong taon ay tumaas ng halos 78-libo ang kaso ng dengue sa bansa, kabilang ang 205 nasawi.

Sa nasabing bilang, mas mataas ito ng 15-porsyento kumpara sa higit 67-libong kaso sa kaparehong panahon noong 2023.

Samantala, tumaas naman sa halos 900 ang kaso ng leptospirosis, kung saan 84 dito ang naitalang nasawi.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 928 total reads

 928 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 51,583 total reads

 51,583 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 136,949 total reads

 136,949 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 183,685 total reads

 183,685 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 231,556 total reads

 231,556 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 333,036 total reads

 333,036 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 169,716 total reads

 169,716 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top