P1.6-milyong relief funds, ibinahagi ng Simbahan sa mga biktima ng baha sa Mindanao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 598 total reads

Maging mga kubyertos ay ipinamamahagi na ng Archdiocese of Cagayan De Oro para lamang makatulong sa mga residente na naapektuhan ng kalamidad sa kanilang lalawigan.

Ito ang ibinahagi ni Cagayan De Oro Social Action Director Rev. Fr. Satur Lumba kaugnay sa kanilang ginagawang pagkilos upang umagapay sa mga naapektuhan ng baha.

Sinabi ni Fr. Lumba na mula pa nang maganap ang mga pagbaha sa Cagayan De Oro at Misamis Oriental ay hindi na tumigil ang kanilang hanay sa pagsasagawa ng relief response.

Sa kasalukuyan, kailangan ng mga naapektuhang residente ay mga non-food items na siya namang ipinamahagi na ng Archdiocese habang kumikilos na rin sila para makatulong sa rehabilitasyon ng nasirang kabahayan.

“Noong una binigyan natin ng food packs ang mga tao. After 10 days nakita natin ang mga kailangan sa mga totally damaged houses. Pinuntahan natin at binigyan ng non food items… Binigyan natin sila ng mga plato, kumot, kutsara, tinidor at nag-usap na din kami ng City Council at DSWD. Nagpa-plano na kami sa shelter nila lalo na sa mga totally damaged na bahay.” pahayag ni Fr. Lumba sa panayam ng Radyo Veritas.

Ipinagpasalamat naman ng Arkidiyosesis ang pagtulong na ibinahagi sa kanila ng iba’t-ibang organisasyon partikular na sa bahagi ng Simbahan.

Batay sa pakikipag-ugnayan ng Damay Kapanalig Program ng Veritas 846 sa Caritas Philippines, umabot na sa P600 libong piso ang halaga ng tulong na kanilang ibinahagi sa Archdiocese of Cagayan De Oro at Diocese of Butuan.

Una na rin nagpahayag ang Caritas Manila na magpapadala ito ng isang milyong piso na tulong para sa mga Dioceses na naapektuhan ng pagbaha sa Mindanao.

Lubos din ang pasasalamat ng Diocese of Butuan at Tagum sa tulong na ipinagkaloob ng Caritas Manila sa mga apektado ng baha.

Read: http://www.veritas846.ph/13-parokya-sa-diocese-butuan-lubog-sa-tubig-baha/
(Rowel Garcia)

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 2,320 total reads

 2,320 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 75,499 total reads

 75,499 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 161,998 total reads

 161,998 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 205,033 total reads

 205,033 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 254,696 total reads

 254,696 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 116,451 total reads

 116,451 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top