Parish of St.John the Baptist, ideklarang minor basilica

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,929 total reads

Isabuhay at ipalaganap ang pagiging mapagpakumbaba katulad ni San Juan Bautista.

Ito ang bahagi ng welcome message ni Antipolo Bishop Ruperto Santos para sa solemn declaration ng Minor Basilica and Parish of St. John the Baptist sa Taytay, Rizal.

Ayon kay Bishop Santos, ang pagtataas sa Parokya ng San Juan Bautista bilang basilika menor ay maituturing na biyaya at pagpapala mula sa Diyos at dapat lamang na ipalaganap sa higit pang mananampalataya upang patuloy na mag-alab ang debosyon sa pintakasi ng bayan ng Taytay.

“We share our happiness and humbly offer it to all of you. Together, we receive God’s continuous blessings and extend to be a blessing to others. Unitedly, we express our gratitude to God for this amazing grace and proclaim His goodness, faithfulness, and love,” mensahe ni Bishop Santos.

Gayunman, sinabi ng obispo na kaakibat na hamon nito ang pananatiling mapagpakumbaba katulad ni San Juan Bautista upang higit na mailapit ang Panginoong Hesukristo sa mga tao.

Sa ganitong paraan, ang basilika ang magiging daan upang lubos na makita at madama ng mga mananampalataya ang pagpapala at himalang taglay ni San Juan Bautista.

“It is now our gift to give to the Universal Church. It is a wonderful grace for us and our responsibility to show that we are like our patron saint John the Baptist who said: “He must increase, but I must decrease” (John 3:30). That is for us to sacrifice, to serve, and to save others rather than ourselves. That we are ready to submit ourselves to God rather than surrender ourselves to power, positions and possessions,” ayon kay Bishop Santos.

Nagsimula ang seremonya sa pamamagitan ng civic reception kung saan sinalubong ng mga opisyal ng Taytay Municipal Government at Rizal Provincial Government si Cardinal Advincula kasama si Bishop Santos at Basilica rector Fr. Pedrito Noel Rabonza III.

Dumalo rin sa pagtitipon sina Antipolo Auxiliary Bishop Nolly Buco, Antipolo Bishop-Emeritus Francisco de Leon, gayundin si Catholic Bishops’ Conference of the Philippines vice president, Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara, iba pang arsobispo at obispo ng Pilipinas, at mga pari ng Diyosesis ng Antipolo at mga karatig na diyosesis.

Ang Taytay Church ang ika-23 Minor Basilica sa Pilipinas at kauna-unahan sa Diyosesis ng Antipolo at lalawigan ng Rizal.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 46,445 total reads

 46,445 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 96,238 total reads

 96,238 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 144,109 total reads

 144,109 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 248,058 total reads

 248,058 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 331,800 total reads

 331,800 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 166,401 total reads

 166,401 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top