Ika-3 “bike for kalikasan”, isasagawa sa Mindanao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 17,347 total views

Muling inaanyayahan ng social at advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang lahat na makibahagi sa bike caravan para sa pangangalaga sa kalikasan.

Ito ang Third (3rd) Caritas Philippines Bike for Kalikasan na gaganapin sa October 5, 2024 mula alas-singko ng umaga sa Archdiocese of Cagayan de Oro sa Mindanao.

Ayon kay Donna Echalico, coordinator ng Cagayan de Oro Archdiocesan Social Action Center, 26-kilometro ang ruta ng bike caravan na magsisimula sa Xavier University, iikot sa Cagayan de Oro City, at magtatapos sa Gaston Park malapit sa Saint Augustine Metropolitan Cathedral o Cagayan de Oro Cathedral.

Sinabi ni Echalico na magandang pagkakataon din na ang arkidiyosesis ang napiling manguna sa gawain ngayong taon dahil magtitipon-tipon ang iba’t ibang environmental groups at advocates, at matatalakay ang mga usaping pangkalikasan na tinututukan sa lugar.

“Nakamit natin itong idea or action na ito na itipon ang lahat ng environmental advocates dito sa Archdiocese ng Cagayan de Oro para matugunan naman ang mga hinaing ng mga kababayan natin na gustong magpatulong na maresolba o mabigyan ng pansin ang iba’t ibang klaseng environmental issues sa kani-kanilang mga lugar,” ayon kay Echalico sa panayam sa Caritas News on the Go ng Caritas Philippines.

Kabilang sa mga hinaharap na suliraning pangkalikasan sa Mindanao ay ang coal mining at quarrying na labis nang nakakaapekto, hindi lamang sa kapaligiran kundi maging sa mga katutubong pamayanan.

Sinabi naman ni Caritas Philippines’ Communications and Partnership Development Head Jing Rey Henderson na layunin din ng Caritas Bike for Kalikasan na matulungan ang mga diyosesis sa bansa upang higit na maisulong ang pangangalaga sa kalikasan laban sa tuluyang pagkasira.

“Kaya ginagawa natin ang Caritas Bike for Kalikasan sa iba’t ibang parte ng Pilipinas dahil gusto natin na una, mai-highlight ang iba’t ibang advocacies at issues na kinaharap ng mga diocese kung saan ginagawa ito. Pangalawa, ay matulungan ng mga diocese yung mga partners upang mas ma-amplify ang ecological advocacies. At pangatlo ay sana makalikom tayo ng pondo para matulungan na masustain natin ang ating ecological advocacies and campaign na ginagawa all over the Philippines,” saad ni Henderson.

Noong nakaraang taon, higit 400-volunteer bikers ang nakibahagi sa ikalawang Caritas Bike for Kalikasan kung saan pinangunahan ni Caritas Philippines President, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo ang 28-kilometrong pagbibisikleta mula Montemaria Pilgrimage Center sa Ilijan, Batangas City patungo sa Lagadlarin Mangrove Forest Park sa Lobo, Batangas.

Sa mga nais namang makibahagi sa gawain, bisitahin lamang ang facebook page ng Caritas Philippines para sa karagdagang detalye.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NUMBER’S GAME

 39,293 total views

 39,293 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 45,422 total views

 45,422 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 75,564 total views

 75,564 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 95,263 total views

 95,263 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Hindi lang ‘for the content’

 114,391 total views

 114,391 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

LLSP,nagbabala laban sa mga manloloko

 4,266 total views

 4,266 total views Nanawagan si Living Laudato Si’ Philippines executive director Rodne Galicha sa publiko na maging mapanuri bago makibahagi, sumuporta, magbigay ng donasyon, o kumatawan

Read More »
Scroll to Top