Caritas Philippines, nakikiisa sa sambayanang Filipino sa pagbati sa back-to-back Gold medals ni Carlos Yulo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,384 total reads

Nagpaabot ng pagbati ang social at advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines para sa tagumpay ng atletang si Carlos Yulo matapos na makamit ang dalawang gold medal sa 2024 Paris Olympics.

Ayon kay Caritas Philippines president, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, ang tiyaga, dedikasyon, at matatag na pananampalataya ni Yulo ang nagsilbing inspirasyon sa milyun-milyong Pilipino na mangarap at magsikap para makamit ang tagumpay.

“Your journey, marked by challenges and triumphs, is a testament to the unyielding spirit of the Filipino people. Your victory is not just yours alone but a shared triumph for the entire nation,” pagbati ni Bishop Bagaforo.

Dalangin ni Bishop Bagaforo na magpatuloy pa ang tinatamasang tagumpay ng atleta at magsilbing huwaran at magbigay ng pag-asa sa buhay ng maraming Pilipino, lalo na ang mga nasa maralitang sektor ng lipunan.

“We pray for your continued success and well-being as you bring honor to our country,” dalangin ng obispo.

Si Yulo ang kauna-unahang Pilipinong nagwagi ng dalawang gintong medalya sa 2024 Paris Olympics matapos magtagumpay sa men’s artistic gymnastics vault final sa Bercy Arena noong Linggo, August 4.

Una nang sinabi ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino na si Yulo ang most bemedaled athlete sa kasaysayan ng Pilipinas na may 23 gintong medalya at kabuuang 38 medalya.

Samantala, tiyak namang makakakuha ng bronze medal sina boxing athlete Nesthy Petecio at Aira Villegas, habang nakamit naman ni men’s pole vault athlete EJ Obiena ang ikaapat na pwesto.

Ito ang ika-100 taong pakikilahok ng Pilipinas sa Olympics mula noong 1924 Summer Olympics na isinagawa rin sa Paris, France.

 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 43,341 total reads

 43,341 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 93,377 total reads

 93,377 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 141,248 total reads

 141,248 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 245,197 total reads

 245,197 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 329,093 total reads

 329,093 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 166,315 total reads

 166,315 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top