Martes, Agosto 13, 2024

SHARE THE TRUTH

 5,551 total reads

Martes ng Ika-19 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

o kaya Paggunita kay San Ponciano, papa
at San Hipolito, pari, mga martir

Ezekiel 2, 8 – 3, 4
Salmo 118, 14. 24. 72. 103. 111. 131

O kay tamis na namnamin
ang utos mong bigay sa ‘min.

Mateo 18, 1-5. 10. 12-14

Tuesday of the Nineteenth Week in Ordinary Time (Green)
or Optional Memorial of St. Pontian, Pope and Martyr, and St. Hippolytus, Martyr and Priest (Red)

UNANG PAGBASA
Ezekiel 2, 8 – 3, 4

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Ezekiel

Ito ang sinasabi ng Panginoon, “Tao, pakinggan mo ang sinasabi ko sa iyo. Huwag kang tutulad sa kanila na naghimagsik sa akin. Ngumanga ka. Kanin mo ito.” Nang ako’y tumingala, may nag-abot sa akin ng isang aklat na nakabalumbon. Iniladlad ito at nabasa ko sa magkabila ang mga panambitan, pagdadalamhati, at sumpa.

Sinabi pa sa akin, “‘Kanin mo ang aklat na ito. Pagkatapos, magpahayag ka sa sambahayan ni Israel.”

Ngumanga ako upang kanin ang aklat. Sinabi niya sa akin, “Kanin mo ito at magpakabusog ka.” Kinain ko nga ang aklat. Ang lasa ko’y parang pulot-pukyutan.

Sinabi niya sa akin, “Tao, pumunta ka sa sambayanang Israel at sabihin mo ang ipinasasabi ko sa iyo.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 118, 14. 24. 72. 103. 111. 131

O kay tamis na namnamin
ang utos mong bigay sa ‘min.

Nagagalak na susundin yaong iyong kautusan
higit pa sa pagkagalak na dulot ng kayamanan.

O kay tamis na namnamin
ang utos mong bigay sa ‘min.

Ang buo mong kautusan sa akin ay umaaliw,
siyang gurong nagpapayo sa lahat kong suliranin.

O kay tamis na namnamin
ang utos mong bigay sa ‘min.

Higit pa sa ginto’t pilak nitong buong sanlibutan,
ang mabuting idudulot ng bigay mong kautusan.

O kay tamis na namnamin
ang utos mong bigay sa ‘min.

O kay tamis na namnamin ang utos mong ibinigay,
matamis pa kaysa pulot yaong lasang tinataglay.

O kay tamis na namnamin
ang utos mong bigay sa ‘min.

Halos humihingal ako dahilan sa kasabikan,
na matamo yaong aking minimithing kautusan.

O kay tamis na namnamin
ang utos mong bigay sa ‘min.

ALELUYA
Mateo 11, 29ab

Aleluya! Aleluya!
Sabi ni Hesus na mahal:
Dalhin n’yo ang aking pasan
Kaamuan ko’y tularan.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 18, 1-5. 10. 12-14

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Nang mga sandaling iyon, lumapit kay Hesus ang mga alagad at nagtanong, “Sino po ang pinakadakila sa kaharian ng langit?” Tinawag ni Hesus ang isang bata, pinatayo sa harapan nila, at sinabi, “Tandaan ninyo ito: kapag hindi kayo nagbago at tumulad sa mga bata, hinding-hindi kayo mabibilang sa mga pinaghaharian ng Diyos. Ang sinumang nagpapakababa na gaya ng batang ito ay siyang pinakadakila sa mga pinaghaharian ng Diyos. Ang sinumang tumanggap sa isang batang ganito dahil sa akin ay ako ang tinatanggap.

Ingatan ninyo na huwag hamakin ang isa sa maliliit na ito. Sinasabi ko sa inyo: sa langit, ang kanilang mga anghel ay laging nasa harapan ng aking Ama.

Ano sa akala ninyo ang gagawin ng isang taong may sandaang tupa kung maligaw ang isa sa mga iyon? Hindi kaya niya iiwan ang siyamnapu’t siyam na nanginginain sa kaburulan upang hanapin ang naligaw? Sinasabi ko sa inyo: kapag nasumpungan niya ito, higit niyang ikinagagalak ang isang ito kaysa siyamnapu’t siyam na hindi naligaw. Gayun din naman, hindi kalooban ng inyong Amang nasa langit na mapahamak ang isa sa maliliit na ito.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-19 Linggo sa Karaniwang Panahon
Martes

Manalangin tayo sa Ama upang gawin niya tayong karapat-dapat na maging kanyang mga minamahal na anak.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Punuin nawa kami ng Iyong presenya, Panginoon.

Ang Simbahan nawa’y maging epektibong instrumento sa pagpapalalim ng pananampalataya ng mga anak, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga lider ng gobyerno nawa’y magpakita ng malalim na pagkalinga sa pagkakaroon ng magandang kinabukasan ang mga bata, at upang ang mga maliliit na ito ay maging ligtas sa lahat ng uri ng pang-aabuso, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga magulang nawa’y mapalaki nang mabuti ang kanilang mga anak ayon sa pinahahalagahang moral at mabigyan sila ng tamang paghuhubog at edukasyon, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit, mga matatanda, at yaong mga nakaratay na sa kanilang tahanan nawa’y mabanaag ang kalinga at kasiyahan ng Diyos mula sa mga nag-aaruga sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y walang bahid ng kasalanan na makabalik sa tahanan ng Ama sa Langit, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama, pakinggan mo ang mga panalangin ng iyong mga anak na sumasampalataya sa iyo. Ipagkaloob mo sa amin ang kababaang-loob ng isang bata sapagkat sa mga tulad nila ang Kaharian ng Langit. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong ating Panginoon.

Homily October 11, 2026

 4,231 total reads

28th Sunday in Ordinary Time Cycle A

Indigenous People’s Sunday
Extreme Poverty Day

Is 25: 6-10 Phil 4:12-14.19-20 Mt 22: 1-14

Kasaganaan! Iyan ang paksa ng mga pagbasa natin ngayong Linggo. Kasaganaan ang binibigay ng Diyos sa atin. Siya ay dakila. Ang lahat ay galing sa kanya. Hindi naman siya sakim o kuripot. Galante siya kung magbigay. Nakikita natin ito sa kalikasan. Masagana ang mga bulaklak at mga bunga ng kasoy, ng mangga, ng abukado. Kung hindi lang natin sisirain ang mga corals at mga mangroves, marami ang mga isda sa karagatan. Makikita din natin ito sa kanyang gawaing panliligtas. Hindi na siya nagsawa na magpadala ng mga propeta at mga santo na magpapaalala sa atin. Ibinigay pa niya ang the best niya – ang kanyang anak. Ibinigay ni Jesus ang buong buhay niya, hanggang sa kahuli-hulihang patak ng kanyang dugo. Ibinuhos pa sa atin ang kanyang Banal na Espiritu upang dalhin tayo sa katotohanan. Masagana kung magbigay ang Diyos. Hindi lang! Ibinibigay niya ang kanyang lahat!

Sa ating unang pagbasa sinabi sa atin na gagawa ang Diyos ng isang masaganang piging para sa lahat. Maraming masasarap na pagkain at inumin doon, at libre ang mga ito, walang bayad! Hindi lang niya tayo bubusugin. Tatanggalin pa niya ang lahat ng kalungkutan, papahiran ang ating mga luha at aalisin ang ating kahihiyan. Maganda at masagana ang hinahanda ng Diyos para sa atin. Kaya masasabi ng bawat isa sa natin: “Ang Panginoon ay ang aking pastol, hindi ako magkukulang. Ako’y pinahihimlay sa mainam na pastulan.”

Sasalo ba tayo sa piging ng Panginoon? Makikiisa ba tayo sa kanyang inihanda? Siyempre! Ngunit tulad ng pinakita ni Jesus sa kanyang talinhaga sa ating ebanghelyo, ayaw ng mga inanyayahan na dumalo. Kasal iyon ng anak ng hari – malaking okasyon! Talagang pinaghandaan iyon ng hari. Pinapatay pa ang kanyang mga pinatabang guya! Ilang baka kaya o ilang kambing ang pinatumba? Dalawang beses pinapunta ang mga alipin niya sa mga inanyayahan. Ayaw dumalo! Nagdahilan pa – ang isa ay bibisita at magtratrabaho sa kanyang bukid, at ang isa naman ay mangangalakal – pupunta sa kanyang business! Hindi nila pinahalagahan ang hari. Hindi naman trabaho ang ibibigay sa kanila. Gusto sana ng hari na makiisa sila sa kanyang kasiyahan. Pero hindi! Pinapatay pa nga ang ilang alipin na pinadala na mag-imbita sa kanila.

Hindi natin ito maintindihan. Hindi iginalang ang hari! Ayaw makisaya! Pero huwag natin silang tingnan ng masama kasi ito ay nangyayari sa atin mismong sarili hanggang ngayon. Masama ba na pumunta at magdasal sa simbahan? Masama ba ang tanggapin ang bendisyon ng Diyos sa sakramento ng kasal? Wala namang bayad ito. Bakit ayaw ng mga tao? Hindi naman tayo inaanyayahan ng Diyos sa masama. Gusto ng Diyos na maging maligaya tayo kaya nagpapadala siya ng mga tao – ng mga katekista, ng mga lay minister, ng mga pari upang ituro sa atin ang tuwid na landas, upang ipaalaala sa atin na mahal tayo ng Diyos, upang patawarin ang ating mga kasalanan. Masama ba ang mga ito? Bakit inaayawan natin ang mga paanyaya ng Diyos? Bakit ayaw makinig sa mga aral na para naman sa ating ikabubuti? Sa halip na makinabang sa mga mabubuting ibibigay ng Diyos, nagpakasubsob tayo sa ating trabaho, sa ating paghahanap buhay. Hindi buhay ang natatagpuan natin kundi kabiguan. Kung walang bendisyon ng Diyos, ano ang inaasahan nating matatanggap? Kamalasan! Kung sa mga Bisaya pa: Gaba! Merisi!

Pero ayaw ng Diyos na masayang ang kanyang mga inihanda. Pinapunta niya ang kanyang mga alipin sa lahat ng sulok ng mga lansangan. Pinapasok ang lahat na gustong makiisa, upang mapuno ang handaan at maging masaya ang mga tao – masama man o mabuti. Hindi pumipili ang Diyos. Ang lahat ay inaanyayahan. Walang makasasabi na hindi na ako para diyan – napakasama ko na. God does not exclude anyone from his invitation.

Pero kailangan naman na alam natin na sa hadaan tayo ng Diyos pupunta. Sa pagtanggap ng kanyang paanyaya ihanda din natin ang ating sarili. Nakadamit din tayo ng pangkasalan. Hindi maganda o bagong damit ang hinahanap ng Diyos kundi kahandaan ng ating kalooban. Basta lang disente ang kasuotan, ay tama na sa Panginoon – hindi lang damit na pantulog, o damit na pampaligo sa beach, o damit na pang-basketball. Pinalalabas din ang sumasali na hindi bukal sa loob at hindi disente.

Masagana ang inihahanda ng Diyos para sa atin. Gusto niya na ibahagi sa atin ang kanyang kasiyahan. Gusto niyang maging masaya tayo. Maniwala po tayo sa kanya. Mabait siya sa atin. Ayaw niyang pahirapan tayo. Tumugon tayo sa paanyaya niya.

Paano malalaman ng mga tao ang paanyaya ng Diyos? Sa pamamagitan nating lahat na nandito ngayon. Ipaabot natin sa mga kasama natin ang paanyaya ng Diyos. Ang magandang balita ay para sa lahat. Tayong tumatanggap nito, sana nararanasan natin na masayang tunay ang pagiging Kristiyano kaya anyayahan din natin ang iba. Lahat tayo ay may mga kakilala na mga Katoliko pero hindi nagsisimba at walang pakialam sa simbahan. Huwag lang natin silang pabayaan. Namatay si Jesus para din sa kanila. Sila din ay mahal ng Diyos. Sabihin natin ito sa kanila. Huwag tayong magsawang anyayahan sila, mahinahon lang pero palagi. Gently but persistently.

Habang inaanyayahan natin ang iba na makiisa sa kasaganaan ng buhay na gustong ibigay ng Diyos sa lahat – sana mabahala tayo na may mga kapwa tao tayo na hanggang ngayon ay nabubuhay sa extreme poverty. Hindi lang sila mahihirap – lubhang mahihirap sila, tulad ng iyong mga hindi nakakakain ng tatlong beses kada araw, iyong nagtitiis na lang sa banig ng kahirapan at hindi napapagamot, iyong mga kabataan na hindi nakakapag-aral dahil sa walang gamit o walang damit, iyong mga nanay at mga baby na malnourished – kulang sa pagkain kaya ang mga bata ay nababansot. Ngayon ay araw ng pag-alaala sa mga tao na namumuhay sa lubos na kahirapan – sa extreme poverty. Alamin natin na may mga taong nasa ganitong kalagayan. Hindi ito naaayon sa kagustuhan ng Diyos na gumawa ng mundo na masagana, at masagana para sa lahat. Kung may mga ganitong tao na napapansin natin sa ating mga Kriska at mga BEC, kaagad lapitan natin at tulungan sila. Kung wala ring maitulong, sabihin sa ating mga Parokya at mission station. Huwag natin silang pabayaan. Alalahanin natin ang sinabi ni San Pablo sa ating ikalawang pagbasa: “Buhat sa kayamanan ng Diyos na hindi mauubos, ibibigay niya ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ni Kristo Jesus.” Ibahagi natin sa iba ang kasaganaan ng Diyos at tayo mismo ay makakaranas ng kasaganaang ito.

Ngayong Linggo din ay Linggo ng mga katutubo. Marami sa kanila ay nabubuhay sa kahirapan. Ang masama pa, inaagaw sa kanila ang ikinabubuhay nila – ang kanilang lupa. May karapatan sila sa ating batas sa kanilang Lupang Ninuno o ancestral domain. Dahil sa kakulangan ng kaalaman o sa tindi ng kahirapan, inaagaw ito sa kanila ng mga sumusulong ng mina o nagpapatayo ng mga hotel para sa mga turista. Sana magkaroon tayo ng kamalayan ng kalagayan ng ating mga kapatid na katutubo. Tulungan natin sila. Kaya mayroon tayong second collection ngayon para po sa IP apostolate ng simbahan upang abutin sila, bigyan sila ng edukasyon at ipagtanggol ang kanilang kultura at lupang ninuno.

WHEN A FAMILY BECOMES A PLACE OF TRAGEDY

 11,201 total reads

Someone called my attention today to the tragic case of Caleb Flynn in the United States—a Christian worship pastor recently convicted of murdering his wife, Ashley, while their two young daughters were at home. Evidence presented at the trial also revealed an extramarital relationship. He has now been sentenced to life imprisonment without parole.

It is difficult to imagine the wounds left behind, especially in the lives of the children: a mother violently taken from them, and a father responsible for her death.

The story struck me because I am presently in Rome for our meeting marking ten years of Amoris Laetitia, reflecting precisely on how the Church proclaims the Gospel with families today.
Earlier, Pope Leo XIV asked us: “What kind of Church do people encounter precisely when they are most fragile?”

Cases like this remind us that “family fragility” is not an abstract pastoral category. Sometimes behind the doors of a seemingly Christian home are relationships already being torn apart by infidelity, deception, abuse, violence, loneliness or despair.

And accompaniment cannot mean simply keeping a family together at all costs. It must also mean learning to recognize danger, protecting the vulnerable, especially children, confronting wrongdoing with truth, and helping wounded people find justice, healing and hope.

Perhaps this too is part of proclaiming the Gospel to and with families: helping our homes become places where love is not merely preached, but truly lived—and where those who are wounded know that the Church will not look away

ULTIMATE GOAL

 13,185 total reads

Gospel Reading for October 09, 2026 – Luke 11: 15-26

ULTIMATE GOAL

When Jesus had driven out a demon, some of the crowd said: “By the power of Beelzebul, the prince of demons, he drives out demons.” Others, to test him, asked him for a sign from heaven. But he knew their thoughts and said to them, “Every kingdom divided against itself will be laid waste and house will fall against house. And if Satan is divided against himself, how will his kingdom stand? For you say that it is by Beelzebul that I drive out demons. If I, then, drive out demons by Beelzebul, by whom do your own people drive them out? Therefore they will be your judges. But if it is by the finger of God that I drive out demons, then the Kingdom of God has come upon you. When a strong man fully armed guards his palace, his possessions are safe. But when one stronger than he attacks and overcomes him, he takes away the armor on which he relied and distributes the spoils. Whoever is not with me is against me, and whoever does not gather with me scatters. “When an unclean spirit goes out of someone, it roams through arid regions searching for rest but, finding none, it says, ‘I shall return to my home from which I came.’ But upon returning, it finds it swept clean and put in order. Then it goes and brings back seven other spirits more wicked than itself who move in and dwell there, and the last condition of that man is worse than the first.”

————

One thing is certain—Beelzebul/Satan can never be more powerful than God. Therefore, he would be of no use to Jesus, the Son of God.

Satan’s ULTIMATE GOAL is always to destroy what belongs to God, which is why he possesses humans who are created by God in his image and likeness. He is SO DESPERATE to destroy God’s image. Why, then, would he destroy himself? It would defeat his ULTIMATE GOAL.

St. Michael the Archangel, defend us from the evil one!

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 119,275 total reads

 119,275 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 213,302 total reads

 213,302 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 257,572 total reads

 257,572 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 280,680 total reads

 280,680 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 350,294 total reads

 350,294 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Miyerkules, Oktubre 14, 2026

 386 total reads

 386 total reads Miyerkules ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Calixto I, papa at martir Galacia 5, 18-25 Salmo 1,

Read More »

Martes, Oktubre 13, 2026

 1,549 total reads

 1,549 total reads Martes ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Galacia 5, 1-6 Salmo 118, 41. 43. 44. 45. 47. 48 Ipahayag mo sa akin

Read More »

Lunes, Oktubre 12, 2026

 3,688 total reads

 3,688 total reads Lunes ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Galacia 4, 22-24. 26-27. 31 – 5, 1 Salmo 112, 1-2. 3-4. 5a at 6-7

Read More »

Linggo, Oktubre 11, 2026

 4,217 total reads

 4,217 total reads Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (A) Isaias 25, 6-10a Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5, 6 Lagi akong mananahan sa bahay ng Poong mahal.

Read More »

Sabado, Oktubre 10, 2026

 6,400 total reads

 6,400 total reads Sabado ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Galacia 3, 22-29 Salmo 104, 2-3.

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top