Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Lunes, Agosto 19, 2024

SHARE THE TRUTH

 6,092 total views

Paggunita kay San Ezekiel Moreno, pari

Ezekiel 24, 15-24
Deuteronomio 32, 18-19. 20. 21

Ang Diyos ay tinalikdan
ng kanyang mga nilalang.

Mateo 19, 16-22

Memorial of St. Ezechiel Moreno, Priest (White)

Mga Pagbasa mula sa
Lunes ng Ika-20 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

UNANG PAGBASA
Ezekiel 24, 15-24

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Ezekiel

Sinabi sa akin ng Panginoon: “Tao, sa isang iglap ay kukunin ko ang taong pinakamamahal mo ngunit huwag mong itatangis ni iluluha. Maaari mong daanin sa buntong-hininga ngunit tibayan mo ang iyong loob. Manahimik ka at huwag iparirinig ang iyong pagtangis. Huwag kang lalakad nang walang sapin sa paa at lambong sa ulo, na tanda ng pagluluksa. Huwag mong tatakpan ang iyong mukha ni kakain ng pagkain ng mga upahang taga-iyak.”

Umaga nang ako’y magsalita sa mga Israelita. Kinagabihan, namatay ang aking asawa. Kinaumagahan, ginawa ko ang iniutos ng Panginoon.

Tinanong ako ng mga tao, “Ano ang ibig mong sabihin sa ginagawa mong ito?” Sinabi ko sa kanila, “Sinabi sa akin ng Panginoon na sabihin ko sa sambahayan ng Israel ang ganito: ‘Ang aking Templo na siyang sagisag ng inyong kapangyarihan at kasiyahan ay sasalaulain ko, at papatayin sa tabak ang inyong mga anak. Tularan ninyo ang ginagawa ko: huwag kayong magluluksa ni malulungkot. Mag-ayos kayong tulad ng dati, nakaturbante at panyapak. Huwag kayong tatangis o luluha. Dahil sa inyong kasamaan, mangangayayat sa matinding himutok ang bawat isa sa inyo. Sinabi ng Panginoon na ang mangyayari kay Ezekiel ang magiging babala sa inyo. Kung mangyari na ang lahat, tularan ninyo ang kanyang ginagawa. Sa gayun, makikilala ninyong ako ang Panginoon.’”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Deuteronomio 32, 18-19. 20. 21

Ang Diyos ay tinalikdan
ng kanyang mga nilalang.

Tinalikdan nila ang Diyos na lumikha sa kanila,
ang Diyos na sa kanila’y nagbigay-buhay.
Nasaksihan niya ang pagsamba nila sa diyus-diyosan
kaya’t kanyang itinakwil,
sila na itinuring niyang mga anak.

Ang Diyos ay tinalikdan
ng kanyang mga nilalang.

Sinabi niya, “Tatalikdan ko sila,
tingnan ko lang kung ano ang kanilang sapitin,
pagkat sila’y isang lahing masama, mga anak na suwail.

Ang Diyos ay tinalikdan
ng kanyang mga nilalang.

“Pinapanibugho nila ako nang sambahin nila yaong hindi Diyos.
Ginalit nila ako dahil sa kanilang diyus-diyosan.
Kaya, paninibughuin ko rin sila at gagalitin,
sa pamamagitan ng bansang di kumikilala sa akin.”

Ang Diyos ay tinalikdan
ng kanyang mga nilalang.

ALELUYA
Mateo 5, 3

Aleluya! Aleluya!
Mapalad ang mga dukha
na tanging D’yos na lumikha
ang pag-asa at adhika.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 19, 16-22

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, may isang lalaking lumapit kay Hesus at nagtanong, “Guro, ano pong kabutihan ang kailangan kong gawin upang magkamit ng buhay na walang hanggan?” Sumagot si Hesus, “Bakit mo ako tinatanong kung ano ang mabuti? Iisa lamang ang mabuti. Kung ibig mong magkamit ng buhay, sundin mo ang mga utos.” “Alin-alin po?” tanong niya. Sumagot si Hesus, “Huwag kang papatay; huwag kang mangangalunya; huwag kang magnanakaw; huwag kang magsisinungaling sa iyong pagsaksi; igalang mo ang iyong ama at ina; at, ibigin mo ang iyong kapwa, gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili.” Sinabi ng binata, “Tinutupad ko na pong lahat iyan. Ano pa po ang dapat kong gawin?” “Kung ibig mong maging ganap, humayo ka, ipagbili mo ang iyong ari-arian at ipamahagi sa mga dukha ang pinagbilhan. Kapag ginawa mo iyan, magkakaroon ka ng kayamanan sa langit. Pagkatapos, bumalik ka at sumunod sa akin,” sagot ni Hesus. Pagkarinig nito, malungkot na umalis ang binata, sapagkat siya’y napakayaman.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-20 Linggo sa Karaniwang Panahon
Lunes

Hinahamon tayo ni Jesu-Kristo na ipagpalit ang mga materyal na kayamanan ng mundong ito sa kanyang walang hanggang karunungan. Ang ating mga panalangin nawa’y makatulong sa ating pagpasok sa kanyang Kaharian.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Ikaw ang pamana sa amin, O Panginoon.

Ang Simbahan nawa’y mapalaya ang mga lalaki at babae sa epekto ng materyalismo at kahangalan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pinuno ng gobyerno nawa’y huwag isakripisyo ang kanilang prinsipyo sa kapangyarihan, tagumpay, at ambisyon, at sa halip isulong nila ang dangal at halaga ng Ebanghelyo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga magulang at mga guro nawa’y hamunin ang mga kabataan na mamuhay sa mga bagay na tunay na makahulugan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga Kristiyanong labis ang ari-arian at likas na yaman nawa’y matutong magbahagi ng kanilang yaman at talento sa mga dukha at kapuspalad, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga mahal na yumao nawa’y mapuno ng yaman ng Kaharian ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming Diyos, biyayaan mo kami ng katapangan, kasiyahan, pananalig, at karangalan. Gawin mo kaming matalino sa karunungan ni Jesus, siya na nabubuhay at naghahari, kasama mo at ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

INTELIHENSIYANG POLPOL

 78,149 total views

 78,149 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 100,213 total views

 100,213 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Ang PAPA Leave Act

 115,909 total views

 115,909 total views Mga Kapanalig, maaaring magkaroon ng hanggang 105 araw na paid paternity leave ang mga tatay kapag maging batas ang House Bill No. 9891

Read More »

Hindi solusyon ang kriminalisasyon

 122,391 total views

 122,391 total views Mga Kapanalig, kabubukás pa lamang ng mga klase nitong Hunyo, sinusubok na agad ang ating mga paaralan ng mga insidente ng karahasan.  Noong

Read More »

APAT NA DEKADA

 180,898 total views

 180,898 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Martes, Hulyo 7, 2026

 1,058 total views

 1,058 total views Martes ng Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Oseas 8, 4-7. 11-13 Salmo 113 B, 3-4. 5-6. 7ab-8. 9-10 Israel na bayan

Read More »

Lunes, Hulyo 6, 2026

 2,649 total views

 2,649 total views Lunes ng Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay Santa Maria Goretti, dalaga at martir Oseas 2, 16. 17b-18, 21-22

Read More »

Linggo, Hulyo 5, 2026

 4,088 total views

 4,088 total views Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon (A) Zacarias 9, 9-10 Salmo 144, 1-2. 8-9. 10-11. 13kd-14 Diyos ko at aking Hari, pupurihin kitang

Read More »

Sabado, Hulyo 4, 2026

 5,100 total views

 5,100 total views Sabado ng Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay Santa Isabel na taga-Portugal o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing

Read More »

Biyernes, Hulyo 3, 2026

 5,864 total views

 5,864 total views Kapistahan ni Apostol Santo Tomas Efeso 2, 19-22 Salmo 116, 1. 2 Humayo’t dalhin sa tanan Mabuting Balitang aral. Juan 20, 24-29 Feast

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top