Huwag kalimutan si Ninoy

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 19,101 total reads

Hinimok ni 1987 Constitutional Framer Novaliches Bishop-Emeritus Teodoro Bacani Jr. ang mga Pilipino na huwag kalimutan ang mga aral na dulot ni dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr.

Ito ang pahayag ng Obispo sa paggunita ng ika-41 anibersaryo ng pagkamatay ng dating mambabatas at national hero ng bansa.

Ayon kay Bishop Bacani, mahalagang maging huwaran ng bawat isa ang dedikasyon at paninindigan ni Ninoy Aquino para isulong ang kapakanan, kalayaan, mga karapatan, at demokrasya ng bansa mula sa diktadura ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. kung saan naging laganap ang karahasan at mga paglabag sa karapatang pantao.

Kinilala din ng Obispo, ang pagiging isang tapat at tunay na lingkod bayan ni Ninoy Aquino na hindi kailanman nabahiran ng kurapsyon o katiwalian ang paglilingkod sa bayan.

“Huwag nating kalimutan ang turo ni Ninoy: ‘Better a meaningful death than a meaningless life.’ ‘D Filipino is worth dying for.’ Many charges were brought against Ninoy but never that he was corrupt. And you, would you rather live like Ninoy or like Ferdinand Marcos Sr.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Bacani sa Radio Veritas.

Si dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino, Jr. ay isang prominenteng lingkod bayan na kilala rin bilang isa sa mga pinuno ng oposisyon at isa sa mga unang inaresto matapos iproklama ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. ang Batas Militar noong 1972.

Nakulong ang dating mambabatas sa loob ng pitong taon mula 1972 hanggang 1980 kung saan siya pinayagang lumipat sa Estados Unidos upang makapagpagamot, ika-21 ng Agosto taong 1983 ng pinaslang si Aquino ilang minuto matapos na lumapag ang kanyang eroplano sa noo’y Manila International Airport.

Ang pagkakapaslang kay Aquino ang isa sa naging ningas ng mapayapang 1986 EDSA People Power Revolution na nagbunsod sa muling pagbabalik ng demokrasya ng Pilipinas.(reyn)

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagod na pagod

 25,351 total reads

 25,351 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 245,968 total reads

 245,968 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 280,641 total reads

 280,641 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 296,541 total reads

 296,541 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 331,253 total reads

 331,253 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Baby Bishop course sa Vatican, nagsimula na

 51,277 total reads

 51,277 total reads Ibinahagi ni Radio Veritas Vatican Correspondent Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang pagsisimula ng formation course

Read More »
Scroll to Top