Ipagpatuloy ang pagbabahagi ng mabuting balita.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,170 total reads

Ito ang hamon ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Emeritus Gaudencio Cardinal Rosales sa mga mamamahayag sa malaking tungkuling ginagampanan sa lipunan na nagbabahagi ng mga impormasyong dapat malaman ng mamamayan.

Iginiit ng cardinal na tinitingnan at pinakikinggan ng publiko ang bawat sinasabi ng mga mamamahayag kaya’t mahalagang maingat sa mga ibinabahaging impormasyon at tiyaking laging nakabatay sa katotohanan.

“Kayong nasa media pinagmamasdan ng mga tao, magandang balita ituloy yan, magandang aral palaguin yan, at ang mabuting balita na dinala ng Panginoon sa magandang pangaral ay isang paalala na sabihin ang totoo para hindi tayo malalayo sa dinadako ng Panginoon, dito kayo matutuwa, dito kayo sasagana, dito kayo makararating sa gusto ni Hesus,” ang pahayag ni Cardinal Rosales sa Radio Veritas. Binigyang diin ng dating arsobispo ng Maynila na walang saysay ang mga balitang ibinabahagi sa iba’t ibang media platform kung ito ay nababahiran ng kasinungalingan sapagkat magdudulot lamang ito ng kaguluhan at pagkakawatak-watak ng mamamayan.

Nitong August 20 ay binisita ng mga kawani ng media arm ng Archdiocese of Manila (AOC, TV Maria, Radio Veritas 846) si Cardinal Rosales sa Lipa City Batangas. Kinilala ng cardinal ang gawain ng media ministry ng arkidiyosesis na malaking tulong para sa ebanghelisasyon kaya’t hamon nitong ipagpatuloy ang mga gawaing magpapalago sa pananampalataya ng mamamayan. “Salamat sa Diyos at mayroong katulad pa ninyong naglilingkod, patuloy ninyong gawin yan, kay Hesus natin matutuklasan ang lahat ng inaasahan dahil si Jesus is the truth,” ani Cardinal Rosales.

Matatandaang sa ginanap na National Catholic Social Communications convention nitong Agosto kung saan tinalakay ang mga makabubuting dulot ng makabagong teknolohiya ay patuloy na hinamon ang media minister’s ng simbahan na maingat sa paggamit nito lalo na sa artificial intelligence dahil sa kaakibat na negatibong epekto kung hindi ginagamit sa wasto at mabuting pamamaraan.

Tiniyak naman ng RCAM media ministry ang pagpapaigting sa mga programang makatutugon sa nagbabagong panahon sa gitna ng pagsulong teknolohiya na magagamit sa mga programang pang ebanghelisasyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 42,093 total reads

 42,093 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 92,232 total reads

 92,232 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 140,103 total reads

 140,103 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 244,052 total reads

 244,052 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 327,999 total reads

 327,999 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top