Huwag kalimutan si Ninoy

SHARE THE TRUTH

 18,692 total views

Hinimok ni 1987 Constitutional Framer Novaliches Bishop-Emeritus Teodoro Bacani Jr. ang mga Pilipino na huwag kalimutan ang mga aral na dulot ni dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr.

Ito ang pahayag ng Obispo sa paggunita ng ika-41 anibersaryo ng pagkamatay ng dating mambabatas at national hero ng bansa.

Ayon kay Bishop Bacani, mahalagang maging huwaran ng bawat isa ang dedikasyon at paninindigan ni Ninoy Aquino para isulong ang kapakanan, kalayaan, mga karapatan, at demokrasya ng bansa mula sa diktadura ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. kung saan naging laganap ang karahasan at mga paglabag sa karapatang pantao.

Kinilala din ng Obispo, ang pagiging isang tapat at tunay na lingkod bayan ni Ninoy Aquino na hindi kailanman nabahiran ng kurapsyon o katiwalian ang paglilingkod sa bayan.

“Huwag nating kalimutan ang turo ni Ninoy: ‘Better a meaningful death than a meaningless life.’ ‘D Filipino is worth dying for.’ Many charges were brought against Ninoy but never that he was corrupt. And you, would you rather live like Ninoy or like Ferdinand Marcos Sr.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Bacani sa Radio Veritas.

Si dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino, Jr. ay isang prominenteng lingkod bayan na kilala rin bilang isa sa mga pinuno ng oposisyon at isa sa mga unang inaresto matapos iproklama ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. ang Batas Militar noong 1972.

Nakulong ang dating mambabatas sa loob ng pitong taon mula 1972 hanggang 1980 kung saan siya pinayagang lumipat sa Estados Unidos upang makapagpagamot, ika-21 ng Agosto taong 1983 ng pinaslang si Aquino ilang minuto matapos na lumapag ang kanyang eroplano sa noo’y Manila International Airport.

Ang pagkakapaslang kay Aquino ang isa sa naging ningas ng mapayapang 1986 EDSA People Power Revolution na nagbunsod sa muling pagbabalik ng demokrasya ng Pilipinas.(reyn)

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pampersonal o pambayan?

 19,028 total views

 19,028 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 61,242 total views

 61,242 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Battle of uncertainty

 76,793 total views

 76,793 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »

Gawing viral ang katotohanan

 90,035 total views

 90,035 total views Mga Kapanalig, “The truth shall set us free! Not AI, not fake news!” Ito ang pahayag ni House of Representatives spokesperson Princess Abante

Read More »

Pakikiisa sa mga imigrante

 104,447 total views

 104,447 total views Mga Kapanalig, libu-libong taga-Amerika ang lumabas sa mga lansangan ng Los Angeles sa Estados Unidos bilang pagtutol sa mararahas na raids ng Immigration

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top