Mga bayaning Pilipino, dapat ipagmalaki at bigyang pagkilala

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 16,682 total views

Naniniwala ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na naangkop lamang na patuloy na alalahanin at bigyang pagkilala ang pagsasakripisyo at pag-aalay ng buhay ng mga bayani ng bansa.

Ito ang ibinahagi ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco – chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Mutual Relations between Bishops and Consecrated Persons kaugnay sa taunang paggunita ng Araw ng mga bayani.

Ayon sa Obispo, kasabay ng pag-alala sa mga bayaning nag-alay ng buhay para sa kalayaan ng bansa ay hindi din dapat na kalimutan ng bawat isa ang pag-aalay ng sarili ni Hesus para sa kaligtasan ng sangkatauhan.

Paliwanag ni Bishop Ongtioco, hindi dapat na kalimutan si Hesus sa pagbibigay parangal sa mga pambansang bayani ng bansa sapagkat ang pag-aalay ng sariling buhay ni Hesus upang iligtas ang sangkatauhan mula sa kasalanan ang isa sa nakapagbigay lakas sa mga bayani ng bansa upang isakripisyo rin ang kanilang sarili para sa kalayaan ng bayan.

Paliwanag ni Bishop Ongtioco, hindi dapat na kalimutan si Hesus sa pagbibigay parangal sa mga pambansang bayani ng bansa sapagkat ang pag-aalay ng sariling buhay ni Hesus upang iligtas ang sangkatauhan mula sa kasalanan ang isa sa nakapagbigay lakas sa mga bayani ng bansa upang isakripisyo rin ang kanilang sarili para sa kalayaan ng bayan.

Tema ng paggunita sa Araw ng mga Bayani ngayong taon ang “Kabayanihan ng Pilipino sa Panahon ng Pagbabago” na naglalayong kilalanin ang iba’t ibang kabayanihan ng mga Pilipino maging sa kasalukuyang panahon.

Ang taunang paggunita sa Araw ng mga Bayani ay alinsunod sa bisa ng Batas ng Republika Blg. 9492 (24 Hulyo 2007), na nagtatakda sa huling Lunes ng Agosto ng paggunita sa mga pambansang bayani na nagsakripisyo ay nag-alay ng kanilang buhay para sa kalayaan at kasarinlan ng Pilipinas.

Samantala sa bahagi ng pananampalatayang Katoliko, itinuturing na mga bayani ang mga karaniwang taong sinaksihan ang kanilang pananampalataya sa hindi pangkaraniwang paraan tulad na lamang ng mga martir at mga santo na mga huwaran kung paano mabuhay bilang mga taga-pagpalaganap ng Mabuting Balita ng Panginoon sa isang magulo at kumplikadong mundo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 26,607 total views

 26,607 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 54,612 total views

 54,612 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 72,412 total views

 72,412 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 71,344 total views

 71,344 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 181,847 total views

 181,847 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top