Tunay na kristiyano, hinamon na manindigan laban sa divorce

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,864 total reads

Muling iginiit ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Office on Stewardship na mahalagang pangalagaan ang pamilya at pagtibayin ang pagsasama ng mga mag-asawa sa halip na sisirain.

Ayon kay Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo, chairman ng tanggapan sa kabila ng mga pagtuligsa ng mga sang-ayon sa diborsyo ay dapat na manindigan ang mga tunay na kristiyano sa itinuturo ng Diyos hinggil sa pag-aasawa.

Iginiit ng obispo na hindi payak na kasunduan ang pag-iisang dibdib sapagkat ito ay pakikipagtipan ng mag-asawa sa Diyos.

“Ang pagsasama ng lalaki at babae sa kasal ay hindi lang isang kontrata. Para sa ating mga katoliko, ito ay isang sakramento. Ang pagsasamang ito ay nagpapahiwatig ng malalim na katotohanan at nagbibigay ng grasya sa mag-asawa at sa kanilang pamilya. Kaya dapat pangalagaan ang pag-aasawa at ang pagpapamilya,” bahagi ng mensahe ni Bishop Pabillo. Binigyang diin ni Bishop Pabillo ang mga pag-aaral kung saan mas mataas ang bilang ng mga naghihiwalay at broken families sa mga bansang umiiral ang diborsyo kaakibat nito ang labis na pagdurusa ng mga kabataang apektado ng paghihiwalay ng mga magulang.

Batay sa datos na ibinahagi ni Alliance for the Family Foundation Philippines Inc. (ALFI) Vice President Atty. Jesus Joel Mari Arzaga, sa Amerika kung saan umiiral ang diborsyo ay naitala ang 50 porsyentong paghihiwalay ng mga mag-asawa sa first marriage; 60 porsyento sa second marriage; at 70 porsyento sa third marriages.

Sinabi ni Bishop Pabillo na batay sa nasabing datos ipinakikita na hindi kalooban ng Diyos ang diborsyo kaya’t marapat lamang na hindi ito mapapahintulutang iiral sa bansang itinuturing ang pamilya bilang munting pamayanan at simbahan.

Una nang nanindigan ang simbahan at mga grupong kontra diborsyo na hindi paghihiwalay ang solusyon sa domestic abuse kundi pagpapairal sa mga batas na tumutugon sa mga pang-aabuso sa asawa, kababaihan at kabataan upang maparusahan ang mga nagkakasala.

Tiniyak din ng ALFI ang pakikiisa sa pamahalaan sa mga programang makatutugon sa suliranin sa pamilya na naging basehan sa pagsusulong ng diborsyo lalo na ang pagbibigay edukasyon sa mamamayan ukol sa kahandaang makipag-isang dibdib at pagbuo ng pamilya.

 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 28,141 total reads

 28,141 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 79,260 total reads

 79,260 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 127,131 total reads

 127,131 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 231,079 total reads

 231,079 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 315,758 total reads

 315,758 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top