Kapabayaan ng pamahalaan, pinuna ng ICRC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,241 total reads

Nanawagan ng suporta sa pamahalaan ang International Committee of the Red Cross (ICRC) para sa mga pamilyang patuloy na hinahanap ang mga nawalang kamag-anak sa Marawi Siege noong 2017.

Nagtipon sa Iligan City ang mga taong nawalan ng mahal sa buhay upang alahahanin ang mga nasawi at nawawalang biktima ng Marawi siege pitong taon na ang nakalipas.

Bukod sa pakikiiisa, tiniyak ni Johannes Bruwer – ICRC Delegation to the Philippines Head ang tulong sa mga naiwang pamilya.

“Those who went missing from the Marawi conflict seven years ago will never be forgotten. We will continue to support the families of the missing as they urge the authorities to provide them answers so they can finally find closure,” ayon sa mensahe ni Bruwer na ipinadala ng ICRC sa Radio Veritas.

Ipinaalala ni Bruwer na obligasyon ng pamahalaan ng Pilipinas sa naiwang pamilya na bigyan sila ng kaliwanagan sa kinahantungan ng mga nawawalang mahal sa buhay.

Ipinarating ng mga dumalo sa “International Day of the Disappeard” na hanggang ngayon ay hindi pa sila nakakatanggap ng anumang tulong o pakikipag-ugnayan mula sa pamahalaan.

“Families have the need and the right to know what has happened to their loved ones. They play a central role in keeping their missing relatives at the center of political debates in their quest to find answers. It is important that authorities support the families of the missing by responding to their multifaceted needs, in accordance with the government’s obligations under international law,” ayon pa sa mensahe ng ICRC.

Taong 2017 ng kinubkob ng ISIS-inspired Maute group ang Marawi City na ikinasawi ng 164-miyembro ng Armed Forces of the Philippines, 47-sibilyan at pagkawala ng 170-katao.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dagat ng basura

 59,934 total reads

 59,934 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 82,282 total reads

 82,282 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 162,937 total reads

 162,937 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 264,666 total reads

 264,666 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 299,336 total reads

 299,336 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top