Founder ng St. Arnold Janssen Kalinga Center, pinarangalan ng Ateneo de Manila University

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 17,338 total views

Kinilala ng Ateneo de Manila University si Divine Word missionary priest Fr. Flaviano “Flavie” Villanueva, SVD bilang isa sa mga awardee ng 2024 Traditional University Awards.

Igagawad kay Fr. Villanueva ang ‘Bukas Palad Award’ bilang pagkilala sa pambihirang misyon at adbokasiya ng Pari sa pagtulong sa mga palaboy sa Maynila at sa mga naulila ng extra-judicial killings dulot ng War on Drugs ng nakalipas na administrasyong Duterte.

Sa ilalim ng ‘Bukas Palad Award’ ay partikular na kinikilala ng Ateneo de Manila University ang pagtatatag ni Fr. Villanueva ng St. Arnold Janssen Kalinga Center para kalingain at muling bigyang dangal ang mga palaboy upang muling mabigyan ng pag-asa at pagkakataong makapagsimula muli sa buhay.

“Villanueva was one of the few who courageously spoke out against the extrajudicial killings that accompanied the government’s campaign. A former drug user, Villanueva knew that hope was not lost. He established the Arnold Janssen Kalinga Center in Manila, a holistic center for people experiencing homelessness. Named after the saint who founded his order, the center strives to help people experiencing poverty and the wounded regain a sense of self.” Bahagi ng pahayag ng Ateneo de Manila University kaugnay ng 2024 Traditional University Awards.

Binibigyang pagkilala din Ateneo de Manila University ang katapangan at determinasyon ni Fr. Villanueva na matulungan ang mga kaanak ng mga biktima ng EJK kung saan sa kabila ng anumang banta at panggigipit ng nakalipas na administrasyon ay buong determinasyong inilunsad ng Pari ang Program Paghilom noong 2016.

“When the drug war targeted beneficiaries of the center, Villanueva took it upon himself to ensure that their widows and orphans were cared for— demonstrating his deep spirit of compassion. But the government accused him, along with other Church leaders, of sedition and conspiring to undermine the government. But this did not stop him. Instead, he started Program Paghilom, an integrated, holistic center that helps widows and orphans of drug-related killings rebuild their lives.” Dagdag pa ng Ateneo de Manila University.

Taong 2015 ng itinatatag ng Society of Divine Word (SVD) congregation ang St. Arnold Janssen Kalinga Center sa pangunguna ni Fr. Villanueva upang magkaloob ng tulong sa mga nangangailangan lalo na ang mga palaboy sa lansangan ng Maynila.

Taong 2016 naman ng sinimulan ni Fr. Villanueva ang Program Paghilom upang makatulong at makapagpaabot ng suporta sa lahat ng mga naiwang mahal sa buhay at kapamilya ng mga nasawi sa War on Drugs ng administrasyong Duterte.

Bilang higit na pagpapaigting sa misyon ng Program Paghilom para sa mga naulila ng mga biktima ng EJK ay pinangunahan din ng Arnold Janssen Kalinga Center ang pagtatayo ng kauna-unahang EJK Memorial Site na tinaguriang ‘Dambana ng Paghilom – Himalayan ng mga Biktima ng EJK’ sa La Loma Cemetery sa Caloocan kung saan aabot sa 400 na mga urns ng mga biktima ng EJK ang maaring ihimlay.

Si Fr. Villanueva ay isa lamang sa pitong mga personalidad na gagawaran ng pagkilala sa 2024 Traditional University Awards ng Ateneo de Manila University na nakatakda sa ika-6 ng Nobyembre, 2024 ganap na alas-tres ng hapon sa Hyundai Hall ng Areté, Ateneo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Baluktot na katotohanan

 3,535 total views

 3,535 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 12,899 total views

 12,899 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 39,355 total views

 39,355 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 89,936 total views

 89,936 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 95,323 total views

 95,323 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top