Lumabas sa comfort zone, hamon ng Pari sa mamamayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,183 total reads

Hinikayat ni Father Anton CT Pascual – Executive Director ng Caritas Manila ang mamamayan na lumabas sa mga ‘comfort zone’ o mga nakagawiang ginhawa sa buhay upang makita at matulungan ang mga nangangailangan.

Ito ang mensahe ng Pari na siya ring Pangulo ng Radio Veritas sa paggunita ng International Day of Charity tuwing September 05 upang mahimok ang mas marami na isabuhay ang diwa pagkakawanggawa.

“Sa ngalan ng Panginoon at ng ating Santa Iglesia, tayo ay nagpapasalamat sa araw na ito na idineklara ng United Nations na International Day of Charity, ang pagmamagandang loob po natin sa ating panahon, talento at yaman upang makatulong tayo sa mga nangangailangan, lalung-lalu na sa ating bansa sa mga biktima ng kalamidad, gawa ng kalikasan, gawa ng tao,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Fr.Pascual.

Ayon pa sa Pari, mabisang pagpapakita din ng kawangawa ang pagkakapatiran upang patuloy na mapabuti ang buhay ng mga mahihirap.

Panalangin ni Fr.Anton na patuloy pang isabuhay ng mamamayan ang pagtulong sa kapwa sa pamamagitan pakikipag-kawanggawa o pakikipag-ugnayan sa mga Charity Organizations katulad ng Caritas Manila.

“Naway ang araw na ito, ang International Day of Charity ay magbigay ng inspirasyon sa bawat isa na lumabas po tayo sa ating mga comfort zones magmalasakit, makilahok, makialam sa mga problema ng ating kapitbahayan bilang tanda ng pagiging kristiyano,” ayon pa sa panayam kay Fr.Pascual.

Patuloy ding pinapalakas ng Caritas Manila ang Youth Servant Leadership and Education Program o YSLEP para sa mga mahihirap na scholars, disaster at livelihood program gayundin ang feeding program para sa mga mahihirap na pamilya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ilawan ang katotohanan

 222 total reads

 222 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 60,724 total reads

 60,724 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 83,014 total reads

 83,014 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 163,669 total reads

 163,669 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 265,391 total reads

 265,391 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top