Pamahalaan, pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng mga biktima ng EJK

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,475 total reads

Nanawagan sa pamahalaan ang mga kaanak ng biktima ng extrajudicial killings sa kampanya kontra illegal na droga ni Pangulong Rodrigo Duterte na magbayad ng danyos.

Ito ang inihayag ni Fr. Manuel Gatchalian SVD, Special adviser of relatives of victims sa pagharap sa Quad Committee ng Mababang Kapulungan na pinamumunuan ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, kung saan kabilang sa iniimbestigahan ng joint panel ang mga naganap na pagpaslang sa nakalipas na kampanya kontra droga ng nakalipas na administrasyon.

“Sapagkat from the point of view of the victims, hanggang ngayon walong taon na ang nakalilipas ay wala naman silang natatanggap. Dahilan po, sa nawalan sila ng bread winner, nawalan ng mahal sa buhay at sila’y mahihirap, At sana po na sa pagdating ng panahon, sakaling mapatunayan na state sponsored ito, at para hindi matuloy ang impunity-ibig sabihin na patuloy ang patayan ay kinakailangang panagutin at bayaran nila ang mga biktima.” pahayag ni Fr.Gatchalian.

Ang pari ay kabilang sa mga inanyayahan na dumalo sa ikalimang pagdinig ng Quad Comm ng Kamara, kasama rin ang Rise Up for Life and for Rights, Commission on Human Rights at National Union of Peoples’ Lawyers.
Kabilang din sa mga humarap sa pagdinig, si dating Philippine Charity Sweeptakes Office (PCSO) General Manager Royina Garma, na nagsilbi rin mataas na opisyal ng pulisya sa panahon ng panunungkulan ni Duterte bilang alkalde ng Davao at kalaunay nalahal na Pangulo ng bansa.

Si Garma, ay ang itinuturo ng ilang mga testigo na siyang nagmando sa pagpaslang sa tatlong Chinese drugs lords sa loob ng Davao Prison and Penal Farm noong 2016, na nagsasangkot din sa dating pangulo.

Sa pagdinig ng komite, ipinag-utos ang pagkulong kay Garma sa house detention facility hanggang sa matapos ang pagdinig o hanggang sa makipagtulungan ito sa pagsisiyat ng komite.

Ito ay matapos na aprubahan ng komite na i-cite in contempt si Garma dahil sa kanyang mga hindi malinaw na mga sagot sa mga tanong ng mga kongresista sa isinagawang pagdinig nitong Huwebes.

 

 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagod na pagod

 20,455 total reads

 20,455 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 241,073 total reads

 241,073 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 275,746 total reads

 275,746 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 291,646 total reads

 291,646 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 326,710 total reads

 326,710 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top