Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 83,780 total views

Mga Kapanalig, natapos noong Biyernes ang labindalawang araw na pagbisita ni Pope Francis sa apat nating karatig-bansa: Indonesia, Papua New Guinea, Timor-Leste, at Singapore.

Naging makasaysayan ang pagbisita ng Santo Papa sa Indonesia. Ito kasi ang may pinakamalaking populasyon ng mga Muslim sa buong mundo, habang tatlong porsyento lamang ng populasyon nito ang Katoliko. Sa capital nito na Jakarta, nagkaroon ng pagkakataon si Pope Francis na makadaupang-palad ang Grand Imam na si Nasaruddin Umar, isa sa mga may pinakamataas na awtoridad sa relihiyong Islam.

Binisita nila ang Tunnel of Friendship, isang daanan na kinokonekta ang national mosque ng Indonesia sa isang Katolikong katedral. Nakakabagbag-damdamin ang paghalik ng Imam sa ulo ng Santo Papa at paghawak at paghalik ng Santo Papa sa kamay ng Imam. Ang mga aksyong ito ay simboliko sa kanilang paglalabas ng panawagan, o joint call, para sa pagkakaroon ng interfaith friendship, o pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba ng relihiyon. 

Napapanahon ang panawagang ito ngayon sa gitna ng tinatawag na polarization o pagkakahati-hati at pagkakalayu-layo ng mga tao dahil sa pagkakaiba ng mga paniniwala. May mga pagkakataong ang pagsasabuhay ng kanilang paniniwala ay umaabot sa puntong nakapananakit na sila ng mga hindi nila kapareho ng pananampalataya o relihiyon. Isang matinding halimbawa nito ay ang mga terrorist groups na ginagawang dahilan ang kanilang relihiyon sa paggamit ng karahasan laban sa mga hindi nila karelihiyon.

Ang polarization na ito ay makikita rin natin sa mga paniniwalang pulitikal. Mismong mga pulitiko sa ating bansa ay namemersonal sa kanilang trabaho at gumagawa ng mga desisyon, kahit hindi tama, para lang hindi umayon sa kabilang panig. Sa madaling salita, imbis na interes ng mga taumbayan ang pag-ukulan ng pansin, gaya ng pagpapatupad ng mga programang tutugon sa kanilang pangangailangan, sariling interes nila ang umiiral. Talamak din ang pag-aaway-away ng mga tao sa social media para ipagtanggol ang kanilang sinusuportahang pulitiko. Hindi na nila pinakikinggan ang punto ng kabilang panig.

Hindi naman natin sinasabing iisa lang ang paniniwala ng lahat ng tao upang hindi tayo magkawatak-watak. Hindi mawawala ang pagkakaiba-iba ng pananaw dahil sa iba’t ibang pagkakakilanlan, o identity, ng mga tao, at sa lawak ng mundo at dami ng posibilidad. Mahirap ding umunlad kung makukulong lang tayo lahat sa iisang echo chamber o isang sistemang pare-parehas na ideya na lamang ang naririnig at wala nang espasyo para sa naiiba at bagong ideya na maaaring mas mapayaman ang ating mga pinaniniwalaan.

Ang higit na kailangan natin ngayon ay ang pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba. Mangyayari ito kung mayroong mga “authentic social dialogue,” gaya ng sinabi ni Pope Francis sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti. Ito raw ay pakikipag-usap sa iba nang may pagrespeto sa kanilang pananaw at pagkilala na maaaring may mga lehitimo silang paninindigan at paniniwala.

Mga Kapanalig, katulad ng Santo Papa at ng Imam ng Indonesia, maging bukás sana tayong makipagkapatiran sa mga taong naiiba ang pananaw at paniniwala sa atin. Huwag sana tayong makulong sa paniniwalang tayo lang ang tama at mali  ang iba. Sa halip, sikapin nating gumawa ng tunnel of friendship na kokonekta sa atin sa ating kapwa, imbis na magtayo ng mga pader na maghihiwalay sa atin. “Pagsikapan [nating] gawin ang mga bagay na makakapagdulot ng kapayapaan at makakapagpalakas sa isa’t isa,” gaya ng sabi sa Roma 14:19.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi lang ‘for the content’

 26,098 total views

 26,098 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 200,032 total views

 200,032 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 177,665 total views

 177,665 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 240,841 total views

 240,841 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »

Serbisyo para kanino?

 258,692 total views

 258,692 total views Mga Kapanalig, si Senador Alan Peter Cayetano na ngayon ang bagong Senate President, kapalit ni Senador Vicente “Tito” Sotto III.  Marami sa mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Hindi lang ‘for the content’

 26,099 total views

 26,099 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 200,033 total views

 200,033 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 177,666 total views

 177,666 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 240,842 total views

 240,842 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »
Scroll to Top