LASAC, nangangailangan ng suporta

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,055 total reads

Nanawagan ang Lipa Archdiocesan Social Action Center (LASAC) sa mga mananampalataya na makiisa sa Adopt-a-child Scholarship Project.

Ayon kay Paulo Ferrer – LASAC Program Officer, sa pamamagitan ng programa napapaaral ng buong school year ang mahihirap na benepisyaryong mag-aaral sa elementary at high school sa halagang 1,500-pesos.

“Ang Adopt-a-Child Scholarship Project ng LASAC ay isang programa na naglalayong magbigay ng tulong pinansyal sa mga mag-aaral na nangangailangan sa elementarya at high school mula sa mga pampublikong paaralan, ang project na ito ay nagsimula noong 2016 bilang tugon ng Arsidiyosesis sa pangangailangan ng mga pamilyang hindi kayang tustusan ang edukasyon ng kanilang mga anak,” bahagi ng mensaheng ipinadala ni Ferrer sa Radio Veritas.

Inihayag ni Ferrer na sa tulong ng programa ay nabibigyan ng pagkakataon ang mga mahihirap na mag-aaral na makapasok sa kanilang klase araw-araw at mabili ang mga pangangailangan.

Layunin din ng LASAC na maipatupad sa buong archdiocese of Lipa ang proyekto para mapabuti ang kalagayan ng mga mahihirap.

“Sa loob ng walong taon, ang project ay naipatupad sa iba’t ibang mga parokya sa Arsidiyosesis, naghahanap ng mga sponsor ang LASAC para sa mga mag-aaral, nagbibigay ng tulong pinansyal sa edukasyon, at nagpapakilos ng iba’t ibang mga aktibidad para sa mga benepisyaryo, Ang layunin ng programa ay maipagpatuloy ito sa iba’t ibang parokya at mas mapalawak ang bilang ng mga batang nakakapagtapos ng pag-aaral, ang LASAC ay magtutuon sa pagpapalakas ng kakayahan at kaalaman ng mga mag-aaral habang ang partner parishes naman ay magbibigay ng tulong sa pagbili ng mga kagamitan sa paaralan,” ayon pa sa mensahe ni Ferrer na ipinadala sa Radio Veritas.

Noong School Year 2023-2024, umaabot na sa 722 ang mga mag-aaral sa elementary at high school ang naging bahagi ng Adop-a-Child Scholarship project.

Para sa mga nais makapagbahagi ng donasyon upang makiisa sa proyekto ng LASAC ay maaring bumisita sa kanilang official facebook page na LASAC – Lipa Archdiocesan Social Action Commission, Incorporated o tumawag sa mga numero bilang (043) 757 6182.

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 24,713 total reads

 24,713 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 47,111 total reads

 47,111 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 86,426 total reads

 86,426 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 120,554 total reads

 120,554 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 176,960 total reads

 176,960 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top