EU bonds, isinusulong ng European Union

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 19,417 total reads

Isinulong ng European Union sa Pilipinas ang EU bonds bilang maasahan at ligtas na investment gayundin ang pagtiyak na matatag na global currency ang euro.

Ito ang tampok sa dalawang araw na pagbisita ni European Commissioner for Budget and Administration Johannes Hahn sa Pilipinas kamakailan.

Nakipagpulong si Hahn sa ilang mga opisyal ng bansa lalo na sa mga tanggapang nangangasiwa sa pamumuhunan ng Pilipinas kabilang na si Department of Finance Secretary Ralph Recto.

“The Commissioner has taken the opportunity of his stay in Manila to promote investment in EU-bonds as a safe asset and the euro (EUR) as a stable global currency,” ayon sa pahayag ng European Union.

Itinampok ng EU na sa loob lamang ng ilang taon ito ang isa sa pinakamalaking issuer ng euro o katumbas sa 150 bilyong euro kada taon.

Ibinahagi rin ni Hahn na patuloy ang pagdami ng bilang ng mga mamumuhunan mula sa labas ng Europa kung saan sa kasalukuyan ay mayroon itong 1, 700 diversified investors base mula sa 70 mga bansa.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na dumalaw sa Pilipinas ang isang European Commissioner for Budget and Administration na tanda ng mas maigting na pagtutulungan ng EU at Pilipinas sa usaping pamumuhunan at pangkabuuang pag-unlad.

Sa ensiklikal na Populorum Progression ni St. Paul VI itinuring nitong ‘promoters and apostles of genuine progress and true development’ ang mga indibidwal, grupo at mga bansang lumilingap sa mga lugar na nangangailangan ng tulong na tanda ng pagsasabuhay at pagpadama sa dakilang habag, awa at pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 16,247 total reads

 16,247 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 50,822 total reads

 50,822 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 87,304 total reads

 87,304 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 105,516 total reads

 105,516 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 189,002 total reads

 189,002 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top