Nararapat ipaalala at ituro ang naganap na karahasan sa panahon ng martial law

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 17,490 total reads

Binigyang diin ng Philippine Alliance of Human Rights Advocates (PAHRA) na mahalagang patuloy na ipaalala at ituro sa mga kabataan ang tunay na mga naganap sa bansa noong panahon ng Batas Militar sa gitna ng iba’t ibang tangka na baguhin ang nasabing bahagi ng kasaysayan.

Ito ang ibinahagi ni PAHRA Chairperson Dr. Nymia Pimentel-Simbulan na siya ring executive director ng Philippine Human Rights Information Center (PhilRights) sa paggunita ng ika-52 anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. sa ika-21 ng Setyembre.

Ayon kay Simbulan, mahalagang labanan ang tila sistematikong mga hakbang upang tuluyang baguhin ang kasaysayan ng bansa noong panahon ng Batas Militar.

“Nakikita po namin na napakahalaga nung tuloy tuloy na pag-alala, pag-aaral tungkol sa mga naganap noong panahon ng Batas Militar dahil po dun sa systematic effort to distort history, ang tawag po natin diyan ay yung historical revisionism -yung talagang intentional na pag-distort ng mga mahahalagang pangyayari sa ating kasaysayan to serve the interest of those in power and I’m referring particularly to Martial Law kasi meron pong pinapalaganap sa bahagi ng mga those in power na ‘Martial Law Period was considered to be a Golden Days of our country’ at yun po ay isang kasinungalingan na aming nilalabanan…” Bahagi ng pahayag ni Simbulan sa Radio Veritas.

Pagbabahagi ni Simbulan kabilang sa higit na pinaigting ng mga human right organization sa bansa partikular na ng PAHRA ang pagkakaloob ng human rights education hindi lamang sa mga eskwelahan at unibersidad, kundi maging sa mga komunidad at sa iba pang mga lugar.

“Ngayon po ang mga human rights organizations specifically yung Philippine Alliance of Human Rights Advocates (PAHRA) have embarked on continuing human rights education targetting yung atin pong mga kabataan at estudyante sa iba’t ibang parte ng kapuluan para tuloy tuloy na maalala namayroong isang madalim na yugto sa ating kasaysayan at ito ay yung ideklara ang Batas Militar noong 1972 ng former President Ferdinand Marcos Sr.” Dagdag pa ni Simbulan.

Partikular namang inihayag ni Simbulan na isa sa kongkretong patunay sa mga naganap na malawakang karahasan at paglabag sa karapatang pantao noong panahon ng Martial Law ang pagsasabatas ng Human Rights Compensation Act na layuning mabigyan ng kompensasyon ang mahigit sa 10,000 mga biktima ng karapatang pantao noong panahon ng Batas Militar kabilang na ang mga nakaranas ng torture, at illegal arrest and detention.

September 21, 1972 nang magdeklara ng Martial Law ang rehimen ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., na winakasan sa pamamagitan ng mapayapang People Power Revolution noong taong 1986.

Sa loob ng 14 na taon mula ng ideklara ang Martial ay samu’t saring pang-aabuso sa karapatang pantao ang naranasan ng mga Filipino kung saan batay sa datos ng Amnesty International 70,000 katao ang nakulong dahil sa paglaban sa gobyerno, 34,000 ang pinahirapan, habang mahigit naman sa tatlong libo ang biktima ng extrajudicial killings.

Samantala tinataya naman umabot sa mahigit 75,000 indibidwal mula sa buong bansa na lumapit sa Human Rights Claims Board na biktima ng iba’t ibang mga paglabag sa karapatang pantao noong panahon ng Martial Law.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 37,937 total reads

 37,937 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 88,343 total reads

 88,343 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 136,214 total reads

 136,214 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 240,162 total reads

 240,162 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 324,317 total reads

 324,317 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top