Ihanda ang mga layko sa Great Jubilee Year 2025, misyon ng National Laity week 2025

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,797 total reads

Umaasa ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na maging epektibo at makabuluhan ang paggunita ng Pambansang Linggo ng Laiko o National Laity Week 2024 ngayong taon upang maihanda ang bawat layko sa nakatakdang Great Jubilee Year 2025.

Ito ang bahagi ng mensahe ni Dipolog Bishop Severo Caermare – chairman ng CBCP Episcopal Commission on the Laity sa paggunita ng National Laity Week na nagsimula noong ika-21 hanggang ika-28 ng Setyembre, 2024.
Ayon sa Obispo, layunin ng taunang pagsasagawa ng Pambansang Linggo ng Laiko na ipaalala at ipadama sa mga layko ang kanilang kahalagahan sa pakikiisa bilang katuwang ng Simbahan sa pagsusulong sa misyon ni Hesus sa sanlibutan.

Binigyang diin ni Bishop Caermare na kaakibat ng pagiging binyagan ang pagiging misyonero na nagpapahayag ng Mabuting Balita sa lahat ng aspeto ng kanilang buhay lalo’t higit sa pamamagitan ng pananalangin.
Tema ng National Laity Week 2024 ay “Laity united in prayer as Pilgrims of Hope” na layuning isulong ang pagkakaisa ng mga laiko sa pananalangin bilang daluyan ng pag-asa.

“As we celebrate the National Laity Week 2024 and embracing the theme “Laity united in prayer as Pilgrims of Hope”, we are reminded of the vital role of the laity’s in the mission and life of the church. As laity you are called to be active participants in the mission of the church within your family and in the community. This mission flows from our baptism and empowered by prayers. Our prayers are powerful. For our prayers unite us not only with each other but with the entire communion of saints.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Caermare.

Paliwanag ni Bishop Caermare, kabilang sa pangunahing intensyon ng pagtitipon ang maisulong ang pagkakaroon ng mas malalim na relasyon ng bawat isa sa Panginoon sa pamamagitan ng higit na pagsusulong ng kahalagahan ng pananalangin sa buhay.

Pagbabahagi ng Obispo, mahalaga ang paglalaan ng regular na buhay pananalangin sapagkat ang panalangin ay maituturing na hindi lamang isang armas at pananggalang kundi daluyan ng lakas at pag-asa mula sa Panginoon lalo’t higit sa gitna ng mga hamon at pagsubok sa buhay.

Iginiit din ni Bishop Caermare ang kahalagahan ng buhay panalangin upang hindi malayo at tuwinang manatili sa landas patungo sa Panginoon.

Nagsimula ang paggunita ng National Laity Week noong ika-21 ng Setyembre, 2024 sa St. Michael’s Institute Auditorium, Bacoor, Cavite sa Diyosesis ng Imus habang nakatakda naman ang closing event ng Pambansang Linggo ng Laiko sa ika-28 ng Setyembre, 2024 na isasagawa naman sa Archdiocese of San Fernando, Pampanga.

Ang mga layko ay ang mga binyagan na hindi naordinahan o kabilang sa mga religious congregation na tinatayang bumubuo sa 99.99% ng mga Katoliko sa buong bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 207,311 total reads

 207,311 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 241,984 total reads

 241,984 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 257,884 total reads

 257,884 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 294,373 total reads

 294,373 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 300,651 total reads

 300,651 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Baby Bishop course sa Vatican, nagsimula na

 46,080 total reads

 46,080 total reads Ibinahagi ni Radio Veritas Vatican Correspondent Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang pagsisimula ng formation course

Read More »
Scroll to Top