9,391 total views
Umaasa si Caceres Arcbishop Rex Andrew Alarcon na nagdulot ng mas malalim na debosyon at pananampalataya sa mamamayan ang katatapos lamang na kapistahan ng Nuestra Señora de Peñafrancia.
Ikinalugod ng arsobispo ang pagbubuklod ng mga deboto hindi lamang ng Bicol region kundi maging mga deboto mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa na sama-samang dumulog sa Mahal na Ina tungo sa kanyang anak na si Hesus.
“I hope we felt and witnessed the presence of One much greater than ourselves, providing us inspiration and strength as returning pilgrims. Our Lady does not abandon us. She is indeed our Mother and Queen, bringing us and our prayers and petitions to her son Jesus, the Divino Rostro,” bahagi ng pahayag ni Archbishop Alarcon sa Radio Veritas.
Labis ang pasasalamat ni Archbishop Alarcon sa lahat ng nakiisa sa pagdiriwang at sa mga nagtulong-tulong upang maisakatuparan ang mapayapa at maayos na pagdiriwang ng kapistahan ngayong taon kung saan tampok ang ika – 100 anibersaryo ng canonical coronation sa patrona ng Bicolandia.
Noong September 20 ginanap ang reenactment sa pagputong ng korona sa imahe ng Birhen ng Peñafrancia sa Quadricentennial Arch ng Naga Metropolitan Cathedral na pinangunahan ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown kasama sina Archbishop Alarcon, Archbishop Emeritus Rolando Tria Tirona at Apostolic Nuncio to Israel and Palestine Archbishop Adolfo Tito Yllana.
“Our celebration of the Centenary of the Canonical Coronation of the miraculous image of Our Lady of Penafrancia was truly blessed. This was due to the concerted efforts of many who generously gave their time, effort and resources. And certainly, the wholehearted manifestation of devotion of the thousands of devotees, including the voyadores, and pilgrims who have come from near and far,” ani ng arsobispo.
Batay sa tala ng Naga City government halos isang milyong deboto ang nakiisa sa taunang traslacion sa imahe ng Mahal na Birhen at Divino Rostro noong September 13 habang nitong September 21 naman isa’t kalahating milyong deboto ang nakiisa sa fluvial procession ang pagbabalik ng dalawang imahe sa dambana ng National Shrine and Basilica Minore of Our Lady of Peñafrancia.
Bukod kay Archbishop Brown nakiisa rin sa pagdiriwang ang Bicol bishops sa pagdiriwang ng kapistahan sa patrona ng rehiyon kabilang na sina Legazpi Bishop Joel Baylon, Libmanan Bishop Jose Roxas, Sorsogon Bishop Jose Alan Dialogo, Virac Bishop Emeritus Manolo delos Santos, Sorsogon Bishop Emeritus Arturo Bastes habang dumalo rin si Cebu Archbishop Jose Palma.