Sa patuloy na tensyon sa Holy Land; Araw ng pananalangin at pag-aayuno itinakda ni Pope Francis sa October 7

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 34,259 total reads

Hinimok ni Pope Francis ang mananampalataya sa buong mundo na makiisa sa isang araw ng panalangin at pag-aayuno sa Oktubre 7 bilang paggunita sa isang taon mula nang umatake ang Hamas sa Israel, kasabay ng tumitinding karahasan sa rehiyon.

Ito ang naging panawagan Santo Papa, sa pagtatapos ng kanyang homilya sa misang ginanap sa St. Peter’s Square noong Miyerkules.

Ang panawagan ng pinunong pastol ay kaugnay na rin sa tumitinding karahasan sa rehiyon matapos ang paglulunsad ng Iran ng daan-daang missile patungo sa Israel kasunod ng pagsisimula ng ground offensive ng militar ng Israel sa Lebanon.

“I ask everyone to take part in a day of prayer and fasting for peace in the world,” panawagan ni Pope Francis.

Noong Oktubre 2, sinabi ni Pope Francis na ang Simbahan ay palaging nakatuon sa paglilingkod parasa sangkatauhan, higit lalo sa panahong ng kaguluhan at karahasan na patuloy na pumipinsala sa mga bansa.

DZRV846 SOCMED PACKAGE 2024_6

Inihayag din ng Santo Papa na magtutungo sa Basilica ng St. Mary Major sa Roma sa Linggo upang manalangin ng rosaryo sa bisperas ng anibersaryo, upang hilingin ang biyaya ng kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin sa Mahal na Birhen.

Ginawa ng Santo Papa ang kanyang panawagan para sa kapayapaan sa pagbubukas ng Misa para sa ikalawang pagtitipon ng Synod on Synodality, na nagaganap sa Vatican mula Oktubre 2 hanggang 27.

Tinatayang nasa higit sa 400 pari, obispo, kardinal, at mga layko na delegado ng Synod ang nagtipon sa St. Peter’s Square para sa misa sa pagdiriwang ng mga Guardian Angels.

Inanyayahan din ni Pope Francis ang mga miyembro ng Synod na samahan siya sa Marian basilica upang manalangin ng rosaryo para sa kapayapaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 32,423 total reads

 32,423 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 83,190 total reads

 83,190 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 131,061 total reads

 131,061 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 235,009 total reads

 235,009 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 319,454 total reads

 319,454 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top