Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

“It’s always a call to service, I am ready!”-Bishop-elect Cañete

SHARE THE TRUTH

 9,155 total views

Ito ang mensahe ni Fr. Euginius Cañete, MJ makaraang italaga ng Kanyang Kabanalan Francisco bilang obispo ng Diocese of Gumaca sa Quezon.

Bagamat may mga agam-agam sa mas malaking misyon ipinagkatiwala ni Bishop-elect Cañete sa Panginoon ang paggabay upang magampanan ang tungkuling pagpastol sa diyosesis.

Naniniwala ang bagong obispo na makatutulong ang kanyang halos tatlong dekadang karanasan bilang misyonero sa gawaing pagpapastol sa halos isang milyong katolikong nasasakop ng diyosesis.

“I was happy but I was kind of surprised but always at the back of my mind naman, that’s another call. So, it’s always a call to service, and for that, I am ready,” pahayag ni Bishop-elect Cañete sa Radio Veritas.

Sinabi pa ng pari na hindi pa nito napupuntahan ang Gumaca kaya’t ito ay panibagong hamon sa misyon na kanyang kakaharapin gayundin ang pag-aaral sa kasaysayan, kabilang na ang facts and figures ng lugar at diyosesis.

Gayunpaman sa tulong ng kanyang karanasan sa mga lugar tulad ng Zambia at Africa kung saan ito nagmisyon nang ma-ordinahang misyonerong pari ng Congregation of the Immaculate Heart of Mary (CICM) at kalauna’y sa itinatag na Missionaries of Jesus ay mapagtagumpayan nito ang pagpapastol sa lugar.

“I don’t know really Gumaca because I have not been there…It must be very challenging, iniisip ko I started as a missionary, I was sent to a place unknown to me, to be there is a sense of mission. So, that kind of orientation, perspective has made me realize that this will be another world unknown to me,” ani Bishop-elect Cañete.

Tiniyak din nitong sa pagpapastol ay isabuhay ang diwa ng pakikiisa sa lahat ng nasasakupan lalo na ang mga maliliit at mahihinang sektor ng lipunan alinsunod sa panawagan ni Pope Francis ‘to be at the peripheries.’

Sinabi rin nitong ipagpatuloy ang mga nasimulang programa at mas paigtingin ang aktibong pakikilahok ng bawat isa sa paglalakbay ng simbahan.

“One of the things I will probably do there is to animate the ministries that are already set up in the diocese and to animate the clergy, to be with the people of God. I will have to really reach out to people because that’s the synodal way of the Church,” ani ng bagong halal na obispo.

September 30 nang inanunsyo ng Vatican ang paghirang kay Bishop-elect Cañete bilang kahaliling obispo kay Bishop Victor Ocampo na pumanaw noong March 2023.

Ipinanganak ang pari sa Mandaue City sa lalawigan ng Cebu noong 1966, nagtapos ng kursong psychology sa University of St. La Salle sa Bacolod City bago ipinagpatuloy ang kanyang philosophical at theological studies sa Maryhill School of Theology sa Quezon City.

Naordinahang pari ng CICM noong 1995 at kumuha ng licentiate degree ng canon law sa Pontifical Gregorian University sa Roma noong 2003.

Bukod sa founding member ng Missionaries of Jesus si Bishop-elect Cañete rin ang kasalukuyang coordinator general ng kongregasyon habang nagtuturo rin ito sa iba’t ibang institusyon kabilang na ang Recoletos School of Theology, Institute of Formation and Religious Studies, Inter-Congregational Theological Center, at Saint Vincent School of Theology.

Kasapi rin ito ng Catholic Theological Society of the Philippines at Canon Law Society of the Americas.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 26,825 total views

 26,825 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Mental Health Awareness Month

 57,964 total views

 57,964 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »

Pananagutan sa kalikasan

 63,549 total views

 63,549 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »

Salamat, mga VIPS

 69,065 total views

 69,065 total views Mga Kapanalig, nagpapasalamat ang ating Simbahan sa mga VIPS. Hindi po natin tinutukoy dito ang mga “very important persons”, isang katagang ikinakabit natin sa mga taong may mataas na katungkulan, may natatanggap na mga pribilehiyo, o mga sikat na personalidad. Pero maitutuing din na very important persons ang mga pinasasalamatan nating VIPS. Ang

Read More »

BAYANIHAN

 80,186 total views

 80,186 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahan sa National Fatima Convention

 324 total views

 324 total views Inaanyayahan ng World Apostolate of Fatima Philippines ang mananampalataya na makiisa sa National Fatima Convention on the Centenary of the Five First Saturdays Devotion sa December 10, 2024. Ayon sa WAF Philippines na pinamunuan ni Sis. Ambrocia Palanca, layunin ng pagtitipon na paalalahanan ang mga deboto sa mahalagang mensaheng iniwan ng Mahal na

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pasalamatan ang panginoon sa gift of priesthood, paalala ng Arsobispo sa mga Pari

 458 total views

 458 total views Pinalalahanan ni Cebu Archbishop Jose Palma ang mga pari na palaging pasalamatan ang Panginoon sa biyaya ng bokasyong maging katuwang sa misyon sa sanlibutan. Ito ang mensahe ng arsobispo sa pagtitipon ng Young Clergy of Cebu Residency Program na ginanap sa St. Augustine of Hippo Parish sa Olango Island, Lapu-Lapu City, Cebu kamakailan.

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pagkakaroon ng Missionary of Mercy sa Diocese of Kidapawan,inanunsyo ng Obispo

 934 total views

 934 total views Inanunsyo ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo ang pagkakaroon ng Missionary of Mercy ng kanilang diyosesis. Ayon sa Obispo, inaprubahan ni Pope Francis ang kahilingang magtalaga ng missionary of mercy na may natatanging misyong higit maipalaganap ang habag at awa ng Panginoon sa sanlibutan. Sa liham mula kay Dicastery for Evangelization Pro-Prefect of

Read More »
Cultural
Norman Dequia

RCAM, sisimulan ang Jubilee Year 2025 celebration

 964 total views

 964 total views Inaanyayahan ng Archdiocese of Manila ang mananampalataya na makiisa sa Manila Archdiocesan General Pastoral Assembly (MAGPAS) sa November 9, 2024. Tampok sa MAGPAS ngayong buwan ang paghahanda sa Jubilee Year 2025 kung saan nakatuon ang pagtitipon sa katesismo sa pagdiriwang ng buong simbahang katolika. Isasagawa ang MAGPAS sa Pope Pius XII Catholic Center

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pagtatalaga sa 2 Cebuanong Obispo, ikinalugod ng Archdiocese of Cebu

 982 total views

 982 total views Ikinalugod ni Cebu Archbishop Jose Palma ang magkakasunod na pagkatalaga ng mga obispo mula sa Ecclessiastical Province of Cebu. Ayon sa arsobispo, isang regalo para sa buong simbahan ang pagkatalaga ng mga obispong magpapastol sa mga diyosesis katuwang ang mga pari. “Any appointment of a bishop is a joy for the church, their

Read More »
Disaster News
Norman Dequia

Mamamayang naninirahan sa paligid ng Kanlaon volcano, binalaan

 1,873 total views

 1,873 total views Hinimok ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang mga naninirahan malapit sa bulkang Kanlaon na maging alerto at mapagmatyag. Ayon kay Philvocs Volcano Monitoring and Eruption Prediction Division Chief Maria Antonia Bornas mainam na alam ng mga residenteng malapit sa aktibong bulkan ang aktibidad nito upang manatiling ligtas. Sa kasalukuyan ay

Read More »
Disaster News
Norman Dequia

Paghahanda ng taumbayan sa kalamidad, pinuri ng LASAC

 2,517 total views

 2,517 total views Nalulugod ang Lipa Archdiocesan Social Action Commission (LASAC) na unti-unting natutuhan ng mamamayan ang paghahanda sa mga kalamidad. Ayon kay LASAC Program Officer Paulo Ferrer sa kanilang paglilibot sa mga parokyang apektado ng Bagyong Kristine ay naibahagi ng mga nagsilikas na residente ang pagsalba ng mga Go Bags na isa sa mga pagsasanay

Read More »
Disaster News
Norman Dequia

“The worst flooding that we have experienced,’’ – Legazpi Bishop Baylon

 8,572 total views

 8,572 total views Humiling ng panalangin ang Diocese of Legazpi para sa katatagan ng mamamayang labis naapektuhan ng Bagyong Kristine. Ayon kay Bishop Joel Baylon ito ang pinakamalubhang pagbaha na naranasan sa lalawigan ng Albay sa loob ng tatlong dekada. “In the last 30 years this is the worst flooding that we have experienced here in

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, hinimok ng Obispo na maging daluyan ng habag at awa ng Panginoon

 12,205 total views

 12,205 total views Hinimok ng opisyal ng World Apostolic Congress on Mercy (WACOM) ang mga dumalo sa 5th Asian Apostolic Congress on Mercy na patuloy maging daluyan ng habag at awa ng Panginoon sa kapwa. Ayon kay WACOM Episcopal Coordinator for Asia, Antipolo Bishop Ruperto Santos dapat isabuhay ng mga deboto ang bawat natutuhan sa congress

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Igalang ang mga namayapa-Bishop Santos

 12,273 total views

 12,273 total views Pinaalalahanan ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mananampalataya na igalang ang mga namayapa. Ito ang pahayag ng obispo sa nalalapit na paggunita ng mga yumaong mahal sa buhay o undas sa November 2. Binigyang diin ni Bishop Santos na ang pagbibigay ng maayos na himlayan sa mga namayapa ay isa sa mga nararapat

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Stella Maris Philippines, patuloy na makikilakbay sa mga seafarer

 12,385 total views

 12,385 total views Tiniyak ng Stella Maris Philippines ang patuloy na paglilingkod sa mga manggagawa sa karagatan at kanilang mga pamilya. Ayon kay National Coordinator Fr. John Mission na mahalagang kalingain ang hanay ng mga seafarers at iba pang manggagawa sa sektor alinsunod sa Stella Maris Moto Propio ni St. John Paul II. “Our commitment will

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Antipolo Auxiliary Bishop, itinalagang Obispo ng Diocese of Catarman

 12,625 total views

 12,625 total views Pormal nang itinalaga ng Kanyang Kabanalan Francisco si Bishop Nolly Buco bilang ikatlong obispo ng Diocese of Catarman. December 2023 nang unang itinalaga ang obispo bilang tagapangasiwa sa diyosesis makaraang tanggapin ni Pope Francis ang pagretiro ni Bishop Emmanuel Trance dahil sa usaping kalusugan. Inanunsyo ng Vatican ang appointment ni Bishop Buco na

Read More »
Cultural
Norman Dequia

“God’s mercy is mercy in action!”

 12,814 total views

 12,814 total views Itinuring na ‘mercy in action’ ng St. Joseph the Patriarch Parish sa Mabolo Cebu City ang kawanggawang isinagawa ng ilang delegado ng 5th Asian Apostolic Congress on Mercy (AACOM). Ayon kay Parish Priest Fr. Benedicto Tao mahalagang maibahagi ng mga delegado ang habag at awang naranasan sa pakikiisa sa AACOM upang maisakatuparan ang

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Divine mercy devotion, ibahagi sa iba

 13,378 total views

 13,378 total views Umaasa ang Divine Mercy Ministry ng Archdiocese of Cebu na paigtingin ng bawat binyagang kristiyano ang debosyon sa Divine Mercy. Ayon kay ministry Spiritual Director Fr. Lucas Inoc nawa’y magbunga ng malalim na pang-unawa sa habag at awa ng Panginoon upang maibahagi sa kapwa. Aniya bawat isa ay nangangailangan ng habag mula sa

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Be the light house that provides hope and direction.

 14,101 total views

 14,101 total views Ito ang apela ni CBCP Bishop Promoter of Stella Maris-Philippines, Antipolo Bishop Ruperto Santos sa mga lider ng pamahalaan at lingkod ng simbahang naglilingkod sa kapakanan ng mga seafarers kabilang na ang mga mangingisda. Sa pagtatapos ng 2-day Migrant Fishers Leader’s Assembly na ginanap sa Cebu City binigyang diin ni Bishop Santos ang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top