Paglilingkod sa Diyos at sa bayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,277 total reads

Ito ang panawagan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco sa lahat ng mga naghahangad maglingkod sa bayan kaugnay na rin sa nagpapatuloy na filing of candidacy para sa 2025 Midterm National and Local Elections.

Palala ng obispo sa mga maghahain ng kandidatura ang mabuting pagninilay sa tunay na hangarin dahil ang paglilingkod sa pamahalaan ay isang natatanging misyon na dapat gampanan para sa kapakinabangan ng nakararaming nasasakupan.

“Ako po ay umaapela sa mga mamamayang mag-file ng candidacy para maglingkod sa bayan sana po alam natin na ang paglilingkod ay isang napakahalagang kaloob ng Diyos, hindi paglilingkod sa sarili kundi paglilingkod sa kapwa, tandaan natin serbisyo sa bayan at serbisyo sa Diyos,” pahayag ni Bishop Ongtioco sa Radio Veritas.

Binigyang diin ng obispo na higit kinalulugdan ng Diyos ang matapat na paglilingkod sa bayan na may paglingap sa pangangailangan ng nasasakupan.

Nagsimula ang paghahain ng kandidatura noong October 1 na magtatapos sa October 8 para
sa mga naghahangad kumandidatong konsehal ng bayan hanggang sa senado.

Maghahalal ang mga Pilipino sa May 12, 2025 ng 12 bagong senador, 63 kongresista at mahigit 18-libo local officials mula konsehal hanggang gobernador.

Una nang nanawagan si San Carlos Bishop Gerardo Alminaza sa mamamayan na maging mapagmatyag sa mga indibidwal na naghain ng kanilang kandidatura upang maiwasan ang political dynasties at iba pang kakandidatong hindi karapat-dapat ihalal ng taumbayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 33,824 total reads

 33,824 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 84,464 total reads

 84,464 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 132,335 total reads

 132,335 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 236,283 total reads

 236,283 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 320,669 total reads

 320,669 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top