Protektahan ang mga mandaragat

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 113,412 total views

Mga Kapanalig, ayon sa Mga Awit 107:23-24, “Mayroong naglayag na lulan ng barko sa hangad maglakbay, ang tanging layunin kaya naglalayag, upang mangalakal. Nasaksihan nila ang kapangyarihan ni Yahweh, ang kahanga-hangang ginawa ni Yahweh na hindi maarok..” Ang salmong nabanggit ay malapít sa mga seafarers at masasabing mapalad sila dahil nakikita nila ang lawak ng karagatang nilikha ng Maykapal.

Noong nakaraang Lunes, nilagdaan ni Pangulong BBM ang Republic Act No. 12021 o ang Magna Carta for Seafarers. Ito ay ang batayang batas na poprotekta sa mga karapatan ng mga mandaragat katulad ng pagkakaroon ng maayos na kondisyon sa lugar na kanilang pinagtatrabahuhan, patas at sapat na pasahod, proteksyon laban sa diskriminasyon, at abot-kayang pagsasanay. Ang pagpasá ng Magna Carta na ito ay tugon sa kakulangan ng Pilipinas na umayon sa mga itinakdang patakaran ng International Convention on Standards of Training, Certification and Watchkeeping for Seafarers. Dagdag ng pangulo, ang batas ay ang paraan ng pamahalaan upang mahubog pa ang mga Pilipinong mandaragat sa patuloy na paglago ng industriya ng paglalayag.

Ang nasabing batas ay dumaan sa hindi pangkaraniwang third bicameral conference dahil sa isang pinagtalunang probisyon sa Section 59 tungkol sa tinatawag na execution bonds. Tinatalakay doon ang paggarantiya ng mga benepisyo para sa mga seafarers. Nakasaad sa probisyon na ang isang seafarer ay dapat munang magbayad ng bond bago niya makuha ang mga benepisyong nakasaad para sa disability o injury claims. Maibabalik lamang ang paunang bayad at makukuha ng mga seafarer ang mga benepisyo kung kakatigan ang kanilang apela. Kontrobersyal ito dahil mahihirapan ang mga seafarers na makakuha ng kompensasyon sa kanilang apela, at tila mas pumapabor ito sa mga may-ari at mga manpower agencies.

DZRV846 SOCMED PACKAGE 2024_6

Napabilang ang probisyong ito bilang proteksyon laban sa mga pang-aabuso ng mga tinatawag na ambulance chasers. Sila ang mga abugadong sinasamantala ang mga money claims o kompensasyon sa mga na-injure o nagkasakit na seafarers. Naging talamak ang ganitong gawain dahil ayon sa Labor Code, agaran dapat ang paglalabas ng kompensasyon anuman ang resulta ng apela. Ang hindi makatarungang gawain ng ambulance chasing ay sinasabing pinakamalaking banta sa mga seafarers at sa kalidad ng kanilang pagtatrabaho. Ibinababa nito ang kanilang employer preference, kung saan apektado ang higit na 400,000 na Pilipinong seafarers.

Sa sitwasyong ito, ipinahahayag ng mga panlipunang turo ng Simbahan na matimbang ang karapatan ng mga manggagawa kaya dapat isaalang-alang at protektahan ang mga ito. Ang karapatan ng mga manggagawa ay nakabatay sa likas na dignidad ng tao. Bahagi ng mga karapatan ng manggagawa ay ang mga seguridad o insurance kung sakaling maaksidente o magkasakit sila dahil sa pagtatrabaho. 

Kung iaayon ang nasabing probisyon sa katuruan ng Simbahan, dapat mabigyan ng pagkakataong maamyendahan ang batas upang hindi maagrabyado kapwa ang mga seafarers at employers. Ayon sa grupong Seafarers’ Rights International, ang mga employers ang dapat na nagbibigay ng paunang danyos. Ngunit dahil sa mga tiwaling ambulance chasers, dapat na masiguro ng mga manggagawa na tama at totoo ang batayan ng kanilang apela nang maiwasan din ang malaking gastos para sa pag-areglo ng mga kaso.

Mga Kapanalig, magandang balita ang pagkakaroon ng Magna Carta for Seafarers, pero dapat siguruhing patas at makatarungang mapoproteksyunan ang mga karapatan ng mga seafarers. Hindi dapat ginigipit ang mga benepisyong kanilang inaapela, at hindi rin dapat agrabyado ang mga nag-eempleyo sa kanila. Ang Magna Carta na ito na naisabatas ay isang hakbang sa pagkilala sa malaking ambag ng sektor ng paglalayag at sa mga karapatan ng mga ating mga seafarers, mga karapatang bumubukal mula sa dignidad ng tao at sa kabutihan ng Diyos.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NUMBER’S GAME

 34,493 total views

 34,493 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 40,622 total views

 40,622 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 70,764 total views

 70,764 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 90,680 total views

 90,680 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Hindi lang ‘for the content’

 110,212 total views

 110,212 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

NUMBER’S GAME

 34,495 total views

 34,495 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 40,624 total views

 40,624 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 70,766 total views

 70,766 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 90,682 total views

 90,682 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »
Scroll to Top