CBCP President, itinalagang Cardinal ni Pope Francis

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,009 total reads

Itinalaga ng Kanyang Kabanalan Francisco si Kalookan Bishop Pablo Virgilio David bilang cardinal ng simbahan.

Inanunsyo ng santo papa ang paglikha ng 21 bagong cardinal ngayong araw na ito October 6 sa pinangunahang Angelus sa Vatican.

Si cardinal-designate David na kasalukuyang pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang ikasampung Pilipinong cardinal kasunod nina Cardinals Jose Advincula, Orlando Quevedo, Luis Antonio Tagle, Gaudencio Rosales, Jose Sanchez, Ricardo Vidal, Jaime Sin, Julio Rosales at Rufino Santos.

Isasagawa ng Vatican ang consistory para sa mga bagong cardinal sa December 8, 2024 sa pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Kalinis-linisang Paglilihi sa Mahal na Birheng Maria.

Itinaon din ni Pope Francis ang paglikha ng mga bagong cardinal bago ang pormal na pagbubukas ng Jubilee Year ng simbahang katolika sa 2025 kung saan itinakda ng santo papa ang pagbubukas ng Holy Door ng Vatican sa December 24, 2024.

Bagamat lima na ang ‘living Filipino cardinals’ tatlo lamang sina Cardinal-elect David at Cardinals Advincula at Tagle ang mapapabilang sa conclave sa panahong kinakailangang maghalal ng bagong santo papa dahil sina Cardinals Rosales at Quevedo ay lampas na sa 80 taong gulang at hindi na eligible bumoto sa conclave.

Si Cardinal-designate David ay ipinanganak noong March 2, 1959 sa Pampanga at naordinahang pari March 12, 1983.

May 27, 2006 nang hiranging Auxiliary Bishop ng Archdiocese of San Fernando Pampanga habang July 10, 2006 naman nang maordinahang obispo.

Makalipas ang halos isang dekadang paninilbihang katuwang na obispo ng Pampanga ay itinalaga ito ni Pope Francis bilang ikalawang obispo ng Diocese of Kalookan noong October 2015.

VP Sara at asawa, may 51-baril

 7,454 total reads

 7,454 total reads Umaabot sa 51 ang kabuuang bilang ng mga baril na pag-aari ni Vice President Sara Duterte at asawa nitong si Atty. Manases Carpio.

Read More »

NAMFREL, dismayado sa pagpapaliban ng BSKE

 9,838 total reads

 9,838 total reads Dismayado ang National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) sa panibagong pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections o BSKE, na nakatakda sanang

Read More »

Seafarers, kinilala ni Bishop Santos

 9,564 total reads

 9,564 total reads Kinilala ni Antipolo Bishop Ruperto Cruz Santos, CBCP Bishop Promoter of Stella Maris–Philippines, ang mga marinong Pilipino sa paggunita ng National Seafarers’ Sunday,

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malaya na si Mary Jane

 24,544 total reads

 24,544 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 73,295 total reads

 73,295 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 95,385 total reads

 95,385 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Nagmamahal, Judith

 195,206 total reads

 195,206 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 227,159 total reads

 227,159 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top