Ordination ng Bishop-elect ng Diocese of Gumaca, itinakda sa December 28, 2024

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,071 total reads

Itinakda ng Diocese of Gumaca ang episcopal ordination ni Bishop-elect Euginius Canete, JR., M.J sa December 28, 2024.

Ito ang inanunsyo ni Gumaca Diocesan Administrator Fr. Ramon Uriarte bilang paghahanda ng diyosesis sa pagdating ng bagong pastol.

Gaganapin ang ordinasyon sa International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage o Antipolo Cathedral.

Bukod dito itinakda rin ng diyosesis ang canonical possession ni Bishop-elect Cañete sa January 4, 2025 sa San Diego de Alcala Parish Church o Gumaca Cathedral sa Gumaca Quezon.

Matatandaang September 30 nang inanunsyo ng Vatican ang pagkahirang kay Bishop-elect Cañete bilang kahaliling obispo kay Bishop Victor Ocampo na pumanaw noong March 2023.

Sa panayam ng Radio Veritas sinabi ni Bishop-elect Cañete na nakahanda itong harapin ang panibagong misyong iniatang ng simbahan sa tulong at gabay ng Diyos sa pagpapastol sa halos isang milyong katolikong nasasakop ng diyosesis.

Buong kababaang loob na tinanggap ng bagong halal na obispo ang misyong pangalagaan ang Diocese of Gumaca sa tulong ng mga aral at karanasan sa halos sa halos tatlong dekadang pagiging misyonero.

Ipinanganak ang pari sa Mandaue City sa lalawigan ng Cebu noong 1966, nagtapos ng kursong psychology sa University of St. La Salle sa Bacolod City bago ipinagpatuloy ang kanyang philosophical at theological studies sa Maryhill School of Theology sa Quezon City.

Naordinahang pari ng CICM noong 1995 at kumuha ng licentiate degree ng canon law sa Pontifical Gregorian University sa Roma noong 2003.

Pagkalinga sa mga estudyante, tiniyak ng UST

 213 total reads

 213 total reads Binigyang-diin ni University of Santo Tomas (UST) Secretary General Father Louie Coronel, O.P. na hindi kailanman mag-iisa ang mga bagong estudyante ng Unibersidad

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karagatan para kanino?

 51,177 total reads

 51,177 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 87,967 total reads

 87,967 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 120,754 total reads

 120,754 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 171,791 total reads

 171,791 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 233,419 total reads

 233,419 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top