Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 109,316 total reads

Kapanalig, ito ang nakakalungkot na katotohanan sa political system sa Pilipinas.

Sa Pilipinas, napakahirap ang pagnenegosyo… dadaan ka sa matinding “red tape”, mula sa paghahain ng business permit, license at pagpapa-rehistro sa Securities and Exchange Commission. Taon ang ginugugol sa proseso ng pagnenegosyo sa Pilipinas bago mabigyan ng lisensiya ang isang ordinaryong mamamayan..mahabang pila, mahabang pasensiya kung wala kang pampadulas.

Sa kasalukuyan, napag-iiwanan na ang mga business tycoon! Pinalitan na sila ng tinatawag na “political tycoon”… Walang bisa sa mga political tycoon ang permit-permit at business license..pangalan, kapangyarihan, kasikatan at malaking pera ang kanilang puhunan.

Sa larangan ng pulitika sa bansa, namamayagpag na ang “family business”, ito ang patok… ito na ang negosyong tubong-lugaw.

Sa katatapos lamang na filing of certificates of the candidacies (COC) para sa 2025 midterm elections ay lumitaw na ang pagiging talamak ng political dynasties, na-hijack na rin ng dynastic politicians at mayayamang pamilya ang “party-list system” na naging “popularity contest” na ng mga celebrity at naging bagong “business enterprise” ng mga negosyante.

Matapos ang COC filing, lumalabas ang pagbabagsak ng integridad at independence ng Senado kung saan 127 ang tumakbo sa pagka-Senador na kinabibilangan ng 2-kapatid ni Senador Raffy Tulfo, kapatid na babae ni Senador Alan Peter Cayetano, kapatid ni Senator Mark Villar kung saan ang inang matatapos ang termino ay tatakbo namang mayor at kapatid ni Senador Nancy Villar…. Kapag sila ay nanalo, siyam na ang Senador na magkakapatid…3-Tulfo, 2-Cayetano, 2-Villar at 2-dalawang Ejercito-Estrada…Walang hiyaan na lang?

Sa local level naman, political dynasties din ang namamayagpag… Sa Batangas, tatakong gobernador si Vilman Santos, Vice-governor niya ang anak at isa pang anak ay tatakbo namang 6th district representative.

Sa Pampanga, si Lilia Pineda ang tatakbong gobernador at anak naman ang vice-governor;; sa Davao city tatakbong mayor si dating pangulong Rodrigo Duterte habang vice mayor ang anak na si Baste Duterte at re-electionist sa pagka-congressman ang anak na si Paolo…incumbent vice-president naman si Sara Duterte.

Sa Rizal, nagpapalitan naman sa puwesto ang mga Ynares at Revilla habang balwarte ng mga Remulla at Revilla ang Cavite…Sa Kalookan, magka-tandem ang mag-amang Malapitan habang hawak naman ng mga Sandoval ang Malabon.

Ang mga mananalo sa 2025 midterm elections… paghahatian nila ang “trilyong-pisong budget”… ito ay tax exempt.

Nakasaad sa Compedium of the Social Doctrine of the Church Chapter 4 “Task of the Political community”, The responsibility for attaining the common good, besides falling to individual persons, belongs also to the state. Since common good is the reason that the political authority exists”.

Sumainyo ang Katotohanan.

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 12,227 total reads

 12,227 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 27,395 total reads

 27,395 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 67,881 total reads

 67,881 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 102,008 total reads

 102,008 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 158,414 total reads

 158,414 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

LEADERSHIP PROBLEM

 27,396 total reads

 27,396 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 67,882 total reads

 67,882 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 102,009 total reads

 102,009 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 158,415 total reads

 158,415 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »
Scroll to Top