Higit sa simpleng selebrasyon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 47,502 total views

Mga Kapanalig, Disyembre na! 

Magdiriwang na tayo ng Pasko sa loob ng ilang araw, pero bago nito, malamang may mga Christmas party tayong dadaluhan sa ating opisina, organisasyon, o kahit sa ating kapitbahayan. Hindi naman Kristiyanong tradisyon ang mga party na ito, pero naging bahagi na nga ito ng pagdiriwang natin ng Pasko—sayawan, kantahan, kainan, at exchange gifts

Kung kayo ay nagtatrabaho sa isang opisina ng pamahalaan, may hiling para sa inyo si Pangulong Bongbong Marcos Jr. Inudyukan niya ang mga government agencies na gawing simple ang pagdiriwang ng Pasko. Sa halip na magkaroon ng bongga at marangyang Christmas party, i-donate na lamang daw ang kanilang gagastusin sa mga kababayan nating patuloy na naghihirap matapos ang sunud-sunod na mga bagyo. Paraan daw ito ng pagpapakita ng pakikiisa o solidarity sa mga pilit pa ring bumabangon mula sa nagdaang kalamidad.

Magandang panawagan ito, at sana nga ay totohanin ng ating pamahalaan, lalo na ng mga lider nating nasanay sa marangyang pagdiriwang. Mayroon nga sa kanilang nagpa-party sa opisyal nilang tirahan o nag-iimbita pa ng isang dayuhang banda. Hindi nga natin alam kung mula pa sa kaban ng bayan ang ipinaggastos nila sa mga ito. 

Paglilinaw ng Civil Service Commission, hindi naman talaga pinahihintulutan ang mga ahensya ng gobyerno na magsagawa ng Christmas party sa mismong opisina nila. Kung may isinasagawa sila sa bandáng katapusan ng taon sa loob ng kanilang opisina, ito ay ang kanilang yearend assessment o pagbabalik-tanaw sa mga naging trabaho nila. May nakatakda pa ngang presyo ng pagkain para sa bawat empleyado, kaya mahirap na gawing engrande ang pagtitipong ito. Hindi rin dapat nila gamitin ang pondo ng gobyerno para sa Christmas party dahil wala ito sa tinatawag na “allowed expenditure” ng mga ahensya at opisina. 

Kung gusto talaga ng isang opisina na mag-Christmas party, dapat daw itong gawin sa labas ng opisina at personal na gagastos ang mga sasali. Kung lalabag sila sa alituntuning ito, masisilip ito ng Commission on Audit (o COA) at mapapatawan sila ng kaukulang parusa.

Kung hindi naman kayo empleyado ng gobyerno, mainam din sigurong gawing payak ang pagdiriwang ng Pasko kasama ang ating mga katrabaho, kapitbahay, kaibigan, o kasama sa mga organisasyon, kabilang ang mga samahang kinabibilangan natin sa ating parokya. Tuloy na tuloy pa rin naman ang Pasko at ang pagdiriwang nito, pero alalahanin din sana natin ang mga kapatid nating nasiraan ng bahay, nawalan ng kabuhayan, o namatayan ng mahal sa buhay dahil sa mga dumaang bagyo. Ipadama natin sa kanila ang diwa ng Pasko sa pamamagitan ng pag-aabot ng tulong sa kanila. Ipadama natin sa kanilang nakikiisa tayo sa pinagdaraanan nila kahit malayo tayo sa kanila.  

Pero hindi sana matapos sa pagkakaroon ng simpleng Christmas party ang pagpapakita natin ng pakikiisa sa kanila—o solidarity, sa Ingles. Ang solidarity, ayon sa mga panlipunang turo ng ating Simbahan, ay hindi lamang tungkol sa pagkaawa sa iba o mababaw na pagkabalisa sa hirap ng ating kapwa. Ito ay isang matatag at matiyagang pagtatayâ para sa kabutihang panlahat o common good. Ang ating mga lingkod bayan sa gobyerno, pati ang mga nasa Simbahan, ang dapat magsilbing halimbawa ng prinsipyong ito. Ang mga patakaran o programa nila ay dapat magbunga sa pagkaalis ng mga kababayan natin sa mahirap nilang kalagayan.

Mga Kapanalig, sa gitna ng ating paghahanda para sa pagdiriwang natin ng araw ng Pasko—kasama ang mga Christmas party—maalala sana natin lagi ang mensahe sa Deuteronomio 15:11: “Kailanma’y hindi kayo mawawalan ng mga kababayang mangangailangan, kaya sinasabi ko sa inyong ibukas ninyo ang inyong mga palad sa kanila.” Samatuwid, higit sa simpleng selebrasyon ng Pasko ang hinihiling sa ating lahat.

Sumainyo ang katotohanan. 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Instrumento ng karahasan

 20,578 total views

 20,578 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 62,470 total views

 62,470 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 116,513 total views

 116,513 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 143,979 total views

 143,979 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 160,429 total views

 160,429 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Instrumento ng karahasan

 20,580 total views

 20,580 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 62,472 total views

 62,472 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 116,515 total views

 116,515 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 143,981 total views

 143,981 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »
Scroll to Top