Pagtalaga ni Pope Francis kay Cardinal David, pagsuporta sa pagsusulong ng simbahan ng katarungan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,052 total reads

Nagpaabot ng pagbati at pananalangin ang social, development, at advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines kay bagong Filipino Cardinal, Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David.

Ayon kay Caritas Philippines president, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, ang pagkakatalaga ni Pope Francis kay Cardinal David ay hindi lamang pagkilala sa kanyang personal na kakayahan, kundi pati na rin sa mga prinsipyo at misyon ng Simbahang Katolika sa Pilipinas.

Sinabi ni Bishop Bagaforo na sumisimbolo ito ng suporta ng Simbahan sa pagsusulong ng katarungan at kapayapaan, lalo na para sa mga biktima ng war on drugs ng nagdaang administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

“Cardinal Ambo’s elevation as Cardinal by the Holy Father is a recognition of his and the Philippines Church’s commitment to justice and solidarity with the victims of the bloody and violent war on drugs under the previous administration,” pahayag ni Bishop Bagaforo.

Pinuri din ng obispo ang patuloy na suporta ni Cardinal David sa muling pagbibigay-lakas sa mga gawain ng CBCP-Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace upang palalimin ang adbokasiya ng Simbahan para sa mga nasa laylayan ng lipunan.

Dagdag ni Bishop Bagaforo, bilang pinuno ng kalipunan ng mga obispo sa Pilipinas, tiyak na magkakaroon ng mas malawak na impluwensya ang pamumuno ni Cardinal David, na magbibigay-inspirasyon sa mas maraming gawain para sa kapakanan ng mga tao at ng lipunan.

“Over the past years, he encouraged me, as Chairman of the Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace, to renew the commission’s work for human rights, justice, and peace. The grace of his office as Cardinal will surely boost this ministry under his leadership of our Episcopal Conference,” ayon kay Bishop Bagaforo.

Ginanap ang Consistory sa Vatican noong December 7, 2024, kung saan iginawad ang red hat sa 21 bagong prinsipe ng Simbahan, kabilang na ang pangulo ng CBCP.

Si Cardinal David ang ika-10 Pilipinong Cardinal at ikatlong Cardinal Electors ng Pilipinas, kasama sina Cardinal Luis Antonio Tagle at Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.

VP Sara at asawa, may 51-baril

 6,306 total reads

 6,306 total reads Umaabot sa 51 ang kabuuang bilang ng mga baril na pag-aari ni Vice President Sara Duterte at asawa nitong si Atty. Manases Carpio.

Read More »

NAMFREL, dismayado sa pagpapaliban ng BSKE

 8,640 total reads

 8,640 total reads Dismayado ang National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) sa panibagong pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections o BSKE, na nakatakda sanang

Read More »

Seafarers, kinilala ni Bishop Santos

 8,388 total reads

 8,388 total reads Kinilala ni Antipolo Bishop Ruperto Cruz Santos, CBCP Bishop Promoter of Stella Maris–Philippines, ang mga marinong Pilipino sa paggunita ng National Seafarers’ Sunday,

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malaya na si Mary Jane

 22,281 total reads

 22,281 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 71,236 total reads

 71,236 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 93,326 total reads

 93,326 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Nagmamahal, Judith

 193,147 total reads

 193,147 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 225,192 total reads

 225,192 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 126,022 total reads

 126,022 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top