Let us work together as pilgrims of hope, panawagan ng Caritas Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,753 total views

Hinikayat ng social at advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mamamayan na patuloy na magtulungan upang maihatid ang pag-asa sa kapwa kasabay ng pagdiriwang ng simbahan sa 2025 Jubilee Year.
Sa mensahe ni Caritas Philippines President, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, na ngayong Taon ng Hubileyo na may temang “Pilgrims of Hope”, inaanyayahan ang bawat isa na palakasin ang pananampalataya, ipalaganap ang mensahe ng pag-asa, at muling pagtibayin ang pangako sa paglilingkod, habag, at katarungan.
“We are reminded that hope is not passive; it calls us to act boldly and faithfully. This year, let us work to ensure that Caritas Philippines remains steadfast in serving the most marginalized and vulnerable,” ayon kay Bishop Bagaforo.
Binigyang-diin ng obispo ang misyon ng simbahang pangalagaan ang kalikasan bilang bahagi ng panawagan ni Kristo sa lahat.
Pagbabahagi ni Bishop Bagaforo na bilang mga kamanlalakbay ng pag-asa, ang pagsisimula ng Bagong Taon at Taon ng Hubileyo ay panibagong pagkakataon din upang makapaghatid ng inspirasyon para sa pagbabago sa bansa, kabilang ang pagsusulong ng makabuluhan at makatarungang halalan.
“Our collective journey must reflect the Gospel values of truth, love, and integrity, ensuring a future built on the pillars of democracy and human dignity,” saad ni Bishop Bagaforo.
Nangako ang Caritas Philippines na sa diwa ng Hubileyo ay isusulong ang pangkabuuang pagtugon ng simbahan sa pagpapaunlad ng pamayanan at pagsusulong ng makakalikasan at pangkalahatang kaunlaran.
Iginiit ni Bishop Bagaforo na ang pagtutulungan ng Simbahan, pamahalaan, at iba pang mga sektor ng lipunan ay makatutulong upang matiyak na walang maisasantabi sa lipunan.
“Let us walk together as pilgrims of hope, carrying Christ’s light into the world. May this New Year be a time of renewal, resilience, and unwavering faith,” paanyaya ni Bishop Bagaforo.
December 24, 2024 nang binuksan ni Pope Francis ang Jubilee Year sa Vatican sa pamamagitan ng pagbubukas sa Holy Door ng St. Peter’s Square.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

ACCOUNTABILITY

 15,285 total views

 15,285 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 85,397 total views

 85,397 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 160,012 total views

 160,012 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 240,090 total views

 240,090 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 282,725 total views

 282,725 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top