Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,084 total reads

Solemnidad ni Mariang Ina ng Diyos, Bagong Taon 2025, Lk 2:16-21

Sa aklat ng Eksodo may isang eksena kung saan naglalambing si Moises sa Diyos. Sabi niya sa Panginoon: kung talagang matalik na kaibigan ang turing mo sa akin, sana ipakita mo sa akin ang iyong mukha. Sagot daw ng Diyos, “Di mo pwedeng makita ang aking mukha nang hindi ka namamatay.”

Kaya nagtataka ako sa formula ng basbas ni Aaron sa mga Israelita ayon sa ating unang pagbasa. Ganito daw ang sasabihin: “Nawa’y pagpalain ka ng Diyos at ingatan. Nawa’y ipakita niya sa iyo ang kanyang mukha at kasihan ka niya ng pagpapala. Nawa’y pagmasdan ka niya at bigyan ng kapayapaan.” Akala ko ba ikamamatay ng tao kung makita niya ang mukha ng Diyos? Paano bang basbas iyon? Gusto niya ba silang mamatay?

Doon nga sa Exodus 34, pinagbigyan daw ang hiling ni Moises pero inilagay siya sa likod ng bato at tinakpan ng Diyos ang mukha ni Moises habang ang Panginoon ay dumadaan. At nang makalampas na siya, noon lang inalis ng Panginoon ang kamay niya para makita siya ni Moises nang hindi nakaharap kundi nakatalikod. Baka nga kasi ikamatay niya ito.

Kahit si San Pablo may sinasabi ring hawig dito. Sa dulo ng chapter 13 ng 1Corinthians, sabi niya, “Ngayon naaaninag lang natin siya katulad ng nakikita sa salamin. Darating ang panahon, magkikita rin tayo nang mukha sa mukha, “face to face.” Ito ang pinagmulan ng konsepto ng beatific vision o ang katuparan ng pangarap na makita ang mukha ng Diyos pagkamatay ng mga banal.
Ang Pasko ay tungkol sa pagkakatawang tao ng Diyos sa pamamagitan ni Mama Mary. Nang isilang ang Anak ng Diyos bilang Anak ng Tao, nabigyan siya ng hugis at wangis ng tao. Kay Hesus nabigyan ng katuparan ang pangarap ni Moises: ang makita ang Diyos nang mukha sa mukha, hindi sa kabilang buhay kundi dito sa mundo.

Sa araw na ito ng pagsalubong natin sa bagong taon 2025, ang jubilee of hope, o hubileo ng pagasa, magandang paghugutan ng pagninilay ang panalanging dinadasal natin sa dulo ng rosaryo, ang SALVE REGINA. Tinatawag natin siyang Mater misericordia, vita, dulcedo et spes nostra… “inang maawain, aming buhay, tamis at pagasa.” Sabi pa niya sa may dulo ng panalangin, “At saka, Ina namin, Ilingon mo sa amin ang iyong maawaing mga mata. At pagkatapos ng pagpanaw namin, Ipakita mo sa amin ang iyong Anak na si Hesus, Ang mapalad na bunga ng iyong sinapupunan.”

May pagasa ang tao—ito ang mabuting balita ng pananampalatayang kristiyano sa daigdig. Bakit? Dahil niyakap ng Diyos ang ating abang pagkatao sa sandaling nabigyan siya ng hugis at mukha ng tao sa sinapupunan ng mahal na ina at isinilang na taong katulad natin. Ang makita si Hesus, mahalin siya at masundan, ang matingnan ang mukha niya tulad ng pagtingin ni Maria sa mukha ng anak niya, ito ang sikreto ng kaganapan ng pangarap ni Moises na masilayan ang mukha ng Diyos.

Kay Hesus, maaaninag natin ang pag-asa ng tao sa kabila ng lahat ng ating mga pagkukulang at kapalpakan. Sa pamamagitan ng ating pakikipagkaisang-puso at diwa sa kanya, ang ating pagkatao ay hindi na natin dapat ikahiya. Tanging kay Kristo lang magniningning ang lahat ng totoo, mabuti at maganda tungkol sa ating pagkatao. Ang nakakakita sa kanyang mukha ay natutututong magmahal kung paano niya tayo minahal: nagiging handang maglaan ng buhay para sa minamahal, kahit pa ito ikamatay. Mabiyayang bagong taon po sa inyong lahat!

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 68,310 total reads

 68,310 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 100,586 total reads

 100,586 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 202,412 total reads

 202,412 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 242,970 total reads

 242,970 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 260,654 total reads

 260,654 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

FROM REVOLUTION TO RECONCILIATION

 12,492 total reads

 12,492 total reads My French friend Eric Nicolas, a native of Marseille, sent me a message yesterday that made me look at one particular moment of

Read More »

THE SAINTS OF FRANCE COME ALIVE

 10,781 total reads

 10,781 total reads One of the most beautiful moments of Pope Leo’s visit to France was the spectacular presentation at the Stade de France, where some

Read More »

FOLLOWING POPE LEO IN FRANCE

 9,750 total reads

 9,750 total reads I have been following with great interest the news and social media posts on Pope Leo XIV’s Apostolic Visit to France. I must

Read More »
Scroll to Top