Kapistahan ng Poong Hesus Nazareno, ipinagdiriwang sa buong bansa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 16,714 total reads

Itinuring ng Minor Basilica and National Shrine of Jesus na natatangi at makasaysayan ang pagdiriwang ng kapistahan ng Nuestro Padre Jesus Nazareno ngayong taon dahil ipagdiriwang na ito sa lahat ng simbahan sa buong bansa.
Ayon kay Basilica Rector at Parish Priest, Balanga Bishop – elect Rufino Sescon Jr. magandang pagkakataon ito upang higit na mailapit sa tao ang debosyon ng Jesus Nazareno lalo na sa malalayong lugar sa bansa.
“Makasaysayan ang ating piyesta sa taong ito sapagkat sa unang pagkakataon ito ay hindi lamang piyesta ng Quiapo ng Maynila kundi ng buong Pilipinas, it’s a liturgical feast,” pahayag ni Bishop-elect Sescon.
Matatandaang kasabay ng kahilingan ng Quiapo Church sa Vatican sa pamamagitan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na gawing national shrine ang basilica ay hiniling din nitong pahintulutang gawing national feast ang January 9.
Nilinaw din ng rector na hindi na kinakailangang makipag-ugnayan sa Quiapo Church ang mga parokya sapagkat sapat na ang deklarasyon ng national feast para ipagdiriwang sa humigit kumulang limang libong parokya sa bansa ang kapistahan ng Jesus Nazareno.
Gayunpaman bagamat inaasahang mababawasan ang milyong milyong deboto na dadalaw sa basilica dahil sa national celebration, mananatiling mahigpit ang ipatutupad na seguridad para matiyak ang kaligtasan ng mga debotong makikiisa sa mga pagdiriwang sa January 9.
“Bagamat laganap na, natutuwa tayo na yung hindi makakapunta sa Quiapo (Church) magkaroon sila ng local celebration pero naghahanda pa rin tayo sa pagdagsa at pagpunta ng mga deboto dahil para sa karamihan wala pa ring makapapalit sa pagpunta at pagdalaw sa dambana ng Jesus Nazareno,” giit ni Bishop-elect Sescon.
Tema ng Nazareno 2025 ang ‘𝙈𝙖𝙨 𝙈𝘼𝘽𝙐𝙏𝙄 𝙖𝙣𝙜 𝙋𝘼𝙂𝙎𝙐𝙉𝙊𝘿 𝙠𝙖𝙮𝙨𝙖 𝙋𝘼𝙂𝙃𝘼𝙃𝘼𝙉𝘿𝙊𝙂 (1 𝙎𝙖𝙢. 15:22) 𝙨𝙖 𝙢𝙜𝙖 𝙐𝙈𝘼𝘼𝙎𝘼 𝙠𝙖𝙮 𝙅𝙀𝙎U𝙎’ kaya’t apela ni Bishop-elect Sescon sa mga deboto ang pagsunod sa mga ipinatutupad na panuntuna sa pagdiriwang ng kapistahan upang magkaroon ng kaayusan.
“Ako’y nananawagan sa mga deboto na ang pagpapahayag ng pananampalataya ay bahagi ng pagsunod kaya’t para mas maging maayos ang pagbabalik natin sa nakagawiang debosyon ng mga tao sa Poong Jesus Nazareno, kaya huwag po nating sasalubungin, huwag haharangin, at huwag pumanik sa andas para mapabilis at maayos ang ating pagdiriwang,” giit ng rector.
Nagsimula ang gawain ng pista noong December 31 sa misa nobenaryo habang noong January 2 nakiisa ang mahigit isang libong replica at standarte sa tradisyunal na pagbabasbas kung saan ito ay pinangunahan ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown.
Samantala magsisimula naman sa January 7 ang nakagawiang pahalik sa imahe ng Jesus Nazareno sa Quirino Grandstand habang ang fiesta masses ay sisimulan sa January 8 sa alas tres ng hapon hanggang sa alas onse ng gabi ng January 9 o kabuuang 33 fiesta masses.
Pangungunahan ni Manila Archbishop Cardinal Jose Advincula ang Misa Mayor sa alas dose ng hatinggabi sa Quirino Grandstand bago ang isasagawang traslacion pabalik sa dambana ng basilica.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pahirapang dagdag-sahod

 8,456 total reads

 8,456 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 90,314 total reads

 90,314 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 192,040 total reads

 192,040 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 228,828 total reads

 228,828 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 259,053 total reads

 259,053 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top