Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 61,063 total views

Mga Kapanalig, isang linggo na tayong nasa bagong taon. 

Anu-ano ang inyong new year’s resolution? Kasama ba ang pagda-diet at pagkain ng mas masustansya, pag-e-exercise o pagpunta sa gym, o pag-iipon ng pera? Anuman ang inyong resolution, sana ay nagagawa pa ninyo ito at hindi pa naibabaon sa limot.

Kung may isang mainam na simulan natin, ito ay ang pagpapahalaga sa ating kalusugan. Bago magtapos ang 2024, iminungkahi ng isang grupo ng health advocates na magkaroon tayo ng healthier habits ngayong 2025. Ayon sa Healthy Philippines Alliance, ito ay upang maiwasan ang pagkakaroon ng mga noncommunicable diseases o mga sakit na hindi nakakahawa pero pangmatagalan, gaya ng diabetes, cancer, hypertension, at mga mental health illnesses. Ayon daw kasi sa World Health Organization, 70% ng mga namamatay sa Pilipinas ay dahil sa mga noncommunicable diseases, at nangunguna sa mga ito ang sakit sa puso.

Ang pagkakaroon ng healthier habits ay masisimulan sa pagkain ng mas maraming prutas at gulay, at pag-iwas sa mga ultra-processed food gaya ng mga chichirya, softdrinks, instant noodles, at hotdog. Mahalaga rin ang pag-inom ng mas maraming tubig, at pag-iwas sa mga bisyo gaya ng pag-inom ng alak at pagsisisigarilyo. Makatutulong din ang pag-e-exercise at pagkakaroon ng sapat na tulog.  

Sounds familiar ba, mga Kapanalig? Kasama ba ang mga ito sa inyong new year’s resolution?

Inudyukan din ng Healthy Philippines Alliance ang pamahalaan na magpatupad ng mga programa at batas upang hindi na dumami pa ang mga Pilipinong may noncommunicable diseases. Isa sa mga maaaring pagtuunan ng pansin ng pamahalaan ang pagsigurong accessible at affordable o abot-kaya ang masusustansyang pagkain. Upang may pambili, tiyakin dapat ng pamahalaang may trabaho ang mga kababayan natin at sapat ang kanilang kinikita. Para naman magkaroon ng trabaho, siguruhin dapat ng pamahalaan na may access ang lahat sa edukasyon. Dapat nakakakain din ng sapat at masustansya ang mga estudyante upang hindi maging hadlang ang kanilang gutom at pagkabansot sa kanilang pag-aaral. 

May domino effect ang pagkakaroon ng healthy habits, kaya mahalagang mula pagkabata pa lamang ay natitiyak na ang pagkain ng masustansya. Hindi pa rin huli ang lahat para sa atin. Gaya ng sabi sa Efeso 4:22, maaari pa nating “Iwan… ang dating pamumuhay”, kabilang ang pagkahilig sa mga pagkain at gawaing nakasasama sa ating kalusugan. Para sa mga nasa pamahalaan naman, gamit pa rin ang mga salita ni San Pablo, “hubarin [nila] ang… dating pagkatao na nasisira dahil sa masasamang pagnanasa” na dulot ng kanilang pagtuon sa pansariling interes. 

Pwede pa nating idagdag sa ating new year’s resolution ang pagkakaroon ng healthy habits sa pagkain, pag-exercise, at pagtulog. Idagdag din sana ng mga lider ng ating pamahalaan sa kanilang new year’s resolution ang pagtiyak na kakayanin ng mga Pilipinong magkaroon ng malusog na pamumuhay

Mga Kapanalig, isa sa mga pangunahing karapatang pantao ang pagkakaroon ng access sa masustansyang pagkain. Sabi naman sa Catholic social teaching na Pacem in Terris, isa sa mga pangunahing tungkulin ng pamahalaan ang angkop at sapat na pangangasiwa ng mga karapatan ng mga mamamayan. Ngayong 2025, maging mas aktibo dapat ang pamahalaan sa pagsigurong magagawa ng mga Pilipino ang pagkakaroon ng healthy habits. Gawin din natin ang ating parte sa pagsigurong masustansya ang inihahain sa hapag-kainan at lahat ay may healthy habits gaya ng mga nabanggit kanina. Nawa’y maipagpatuloy natin ang mga ito hanggang sa dulo ng 2025 at sa mga susunod na taon.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 5,612 total views

 5,612 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 33,617 total views

 33,617 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 51,417 total views

 51,417 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 51,192 total views

 51,192 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 163,461 total views

 163,461 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 5,613 total views

 5,613 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 33,618 total views

 33,618 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 51,418 total views

 51,418 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 51,193 total views

 51,193 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »
Scroll to Top