Paggamit ng single use plastic na banderitas, binatikos ng ECOWASTE

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,196 total reads

Muling binatikos ng EcoWaste Coalition ang patuloy na paggamit ng ‘plastic labo’ at iba pang single-use plastic materials bilang banderitas sa pagdiriwang ng Kapistahan ng Sto. Niño.

Ito’y matapos mamataan ng grupo ang mga lansangan sa Tondo at Pandacan sa Maynila na puno ng banderitas na nilikha gamit ang mga bagong plastic “labo,” isang uri ng plastic na bihirang nare-recycle o nagagamit muli.

Ayon kay EcoWaste Zero Waste campaigner Ochie Tolentino, ang mga ‘plastic banderitas’ ay mapupunta lamang sa mga tapunan ng basura pagkatapos magdiwang ng fiesta, na nagdudulot ng panibagong hamon sa mga pagsisikap na mapigilan ang plastic pollution sa bansa.

Panawagan ni Tolentino sa mga kinauukulan na bukod sa paghahanda para sa pagdiriwang, dapat tiyakin ding ang mga kinasasakupan ay sumusunod sa mga patakarang mangangalaga sa kalikasan.

“We appeal to our community leaders to go against the tide and forgo the hanging of single-use plastic banderitas, which is not in tune with ongoing efforts to end plastic pollution, a planetary threat to public health and the environment,” ayon kay Tolentino.

Ipinaliwanag ng grupo na ang paggamit ng disposable plastic banderitas sa mga kilalang pagdiriwang tulad ng Kapistahan ng Santo Niño ay salungat sa mga lokal at pandaigdigang hakbang upang labanan ang plastic pollution.

Ito ang dahilan kaya’t napagkasunduan ng mga bansa na bumuo ng isang kasunduan tulad ng global plastics treaty, na ipagpapatuloy ang negosasyon ngayong taon.

Bukod dito, ang paggamit ng single-use plastics ay hindi rin naaayon sa napagkasunduan sa 128th Plenary Assembly ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) noong Hulyo 2024, na suportahan ang mga pagsisikap na labanan ang plastic pollution, isa sa anim na ecological actions na itinakdang pagtutuunang pansin ng simbahan.

Magugunita rin na noong 2019, isinapubliko ng CBCP ang pastoral letter on ecology na “An Urgent Call for Ecological Conversion, Hope in the Face of Climate Emergency,” bilang pagsasabuhay sa mga aral mula sa ensiklikal na Laudato Si’ ng Kanyang Kabanalan Francisco.

“In response to the call for ecological conversion, we appeal to our churches and communities to do away with single-use plastic fiesta banderitas and other wasteful disposables, and make the protection of the environment and people central to our faith-rooted celebrations,” panawagan ng EcoWaste.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 126,938 total reads

 126,938 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 202,072 total reads

 202,072 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 235,521 total reads

 235,521 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 270,819 total reads

 270,819 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 492,386 total reads

 492,386 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 159,198 total reads

 159,198 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top