Diocese of Borongan, nagdadalamhati sa pagpanaw ng Paring anti-mining advocate

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,907 total reads

Nagdadalamhati ang Diyosesis ng Borongan sa pagpanaw ni Fr. Alejandro “Alex” Galo, na kilala sa paninindigan laban sa operasyon ng pagmimina sa Eastern Samar.

Batay sa paunang ulat ng pulisya, ang 66 taong gulang na pari ay sakay ng kanyang motorsiklo nang mabangga ng paparating na sasakyan bandang alas-8 ng umaga, nitong Miyerkules sa Barangay Naubay, Llorente, Eastern Samar.

Kasalukuyan namang nasa kustodiya ng Llorente Municipal Police District ang babaeng driver na nakabangga kay Fr. Galo.

Sa inilabas na pahayag ng Diyosesis ng Borongan, hiniling ni Diocesan Chancellor Fr. James Abella ang panalangin para sa kapayapaan ng kaluluwa ni Fr. Galo.

“We ask for your prayers during this difficult time as we honor the life and legacy of a remarkable servant of God… Let us come together in prayer, remembering Fr. Alex in our hearts and asking for God’s comfort for all who mourn his loss,” ayon kay Fr. Abella.

Kilala si Fr. Galo bilang matapang at mariing tumututol sa pagmimina sa lalawigan, na inilaan ang paglilingkod sa pagpapalaganap ng kamalayan hinggil sa mga usaping pangkalikasan at karapatan ng mga pamayanan.

Dahil sa kanyang adbokasiya, naranasan ng pari ang paninirang-puri, panggigipit, at maging pagbabanta buhay.

Bago ang kanyang pagpanaw, si Fr. Galo ang namamahala sa Commission on Church Properties at Commission on Cemeteries ng diyosesis.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 52,118 total reads

 52,118 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 174,570 total reads

 174,570 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 259,938 total reads

 259,938 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 306,679 total reads

 306,679 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 354,545 total reads

 354,545 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 450,057 total reads

 450,057 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 174,280 total reads

 174,280 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top