Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Simbahan, tinutulan ang panukalang mineral reserve sa Antique

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,004 total views

Nagkaisa ang iba’t ibang grupo at simbahan sa lalawigan ng Antique upang mariing tutulan ang planong ideklara ang itaas na bahagi ng mga bayan ng Patnongon, San Remigio, Valderrama at Sibalom bilang mineral reservation.

Sa ipinadalang position paper kay Mines and Geosciences Bureau (MGB) Region VI Director Cecilia Ochavo-Saycon, ipinaliwanag ng grupo ang mga panganib na maaaring idulot sa kapaligiran, lipunan, at ekonomiya ng nasabing panukala.

Binigyang-diin dito ang pangmatagalang epekto ng mineral reservation project sa mahahalaga at iniingatang likas na yaman, seguridad sa pagkain, at kabuhayan ng mga pamayanan ng Antique.

“Our arguments are anchored on the principles of sustainable development, a firm commitment based on sound evidence, community perspectives, and a reservation threatens the area’s vital watersheds, agricultural systems, and the well-being of its people,” bahagi ng panawagan ng grupo kay Saycon.

Tinukoy ng grupo ang mga alalahaning dapat pagtuunan ng MGB bago tuluyang maisakatuparan ang mineral reservation project.

Ito ang water security and agriculture; pagdami ng kalamidad dulot ng landslide at pagbaha; pagsasantabi sa mga layunin ng Sustainable/Regenerative Development Goals; epekto sa kalusugan at kabuhayan ng pamayanan; Environmental Risks and Accountability; pagiging lehitimo ng pagdinig na isinagawa ng MGB, at ang pagpapalikas at militarisasyon ng mga komunidad.

“Our group respectfully request your office to carefully review the points raised and reconsider the declaration of Antique’s natural and human resources. It is our shared hope that you will prioritize the principles of sustainability and the long-term interests of the communities affected,” dagdag ng grupo.

Kabilang naman sa mga lumagda sa liham sina San Jose de Antique Bishop Marvyn Maceda; Diocesan Ecology Ministry head, Fr. Frederik Rubido; Diocesan Social Action Commission director, Fr. Joeselito Escote; at iba pang mga kinatawan ng simbahan, at civil society at non-government organizations.

Sa Laudato Si’, una nang nagpahayag ng mariing pagtutol ang Kanyang Kabanalan Francisco hinggil sa industriya ng pagmimina dahil nag-iiwan lamang ito ng labis na pinsala at paghihirap sa kalikasan at mga apektadong pamayanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

APAT NA DEKADA

 22,282 total views

 22,282 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Tantanan na ang mga puno!

 89,770 total views

 89,770 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 110,835 total views

 110,835 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 133,389 total views

 133,389 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 169,405 total views

 169,405 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top