Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Environmentalist priest, sumakabilang buhay na

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,962 total views

Pumanaw na sa edad na 75 taong gulang si environmentalist priest, Fr. Pedro “Pete” Montallana, kaninang umaga dahil sa komplikasyon sa kalusugan.

Si Fr. Montallana ay kilala sa pagiging matapang na tagapagtanggol ng kalikasan, mga katutubo, at ng bulubundukin ng Sierra Madre.

Sa pahayag ni Infanta Bishop Bernardino Cortez, hinikayat nito ang mga mananampalataya na ipanalangin ang kapayapaan ng kaluluwa ni Fr. Montallana.

“I, together with the Clergy of the Prelature of Infanta, request for your heartfelt prayers for our beloved Rev. Fr. Pedro “Pete” V. Montallana as he enters into life and for his bereaved family,” pahayag ni Bishop Cortez.

Isinabuhay ni Fr. Montallana ang buhay ng patron ng kalikasan, San Francisco ng Assisi, sa pamamagitan ng pagtatanggol sa karapatan ng kalikasan, lalo na ang mga katutubo ng Sierra Madre, na labis na nakakaranas ng mga pang-aabuso dahil sa Kaliwa Dam Project.

Taong 1993 nang magsimulang maglingkod si Fr. Montallana sa mga katutubong Dumagat sa Infanta, Quezon, at opisyal na naging kasapi ng mga pari ng prelatura noong 2022.

“Fr. Pete has lived his life dedicated to the Charism of St. Francis serving the Indigenous People of the Prelature since 1993 and was officially incardinated in 2022,” ayon kay Bishop Cortez.

Si Fr. Montallana ang dating chairperson ng Save Sierra Madre Network Alliance, at anchor-priest ng Barangay Simbayanan ng Radyo Veritas.

Naglingkod din ang pari bilang co-executive secretary ng Conference of Major Superiors in the Philippines (dating Association of Major Religious Superiors in the Philippines) mula 1985 hanggang 1989.

Magugunita noong 2020 nang sumailalim sa operasyon si Fr. Montallana dahil sa pamumuo ng dugo sa utak na nagsimula matapos tumaas ang presyon sa pagdalo sa pagdinig ng senado sa kontrobersiyal na Kaliwa Dam project.

Bago pumanaw, si Fr. Montallana ang kasalukuyang Parish Administrator ng Prelature Shrine of St. Joseph sa Polillo, Quezon.

Nakaburol naman ang mga labi ng pari sa Santo Niño Chapel sa St. Mark Cathedral, Infanta, Quezon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

APAT NA DEKADA

 74,240 total views

 74,240 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Tantanan na ang mga puno!

 141,728 total views

 141,728 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 162,793 total views

 162,793 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 183,824 total views

 183,824 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 215,160 total views

 215,160 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top